Brig. Gen. Masagca, bagong Army 5ID Commander

LUNGSOD NG BAGUIO – May bagong pinuno ang 5th Infantry (Star) Division (5ID) ng Philippine Army na may hurisdiksiyon sa mga rehiyon ng Cordillera at Cagayan Valley sa katauhan ni Brig. Gen. Alden Juan Masagca.
Pinalitan ni Masagca si Maj. Gen. Perfecto Rimando Jr. na nagretiro na mula sa aktibong serbisyo noong Marso 2.
Sa isang panayam sa telepono ay sinabi ni Division Public Affairs chief Jefferson Somera na inilipat ni Rimando ang pamumuno sa mahigit 5,000 na sundalo ng army kay Masagca sa isang seremonya noong Marso 2.
“He vowed to continue the programs and projects of the Command in consonance with the Armed Forces of the Philippines’ development support and security plan ‘Kapayapaan’,” ani Somera sa paniping pahayag ni Masagca.
“He also asked the personnel of the command to take the initiative and make themselves professionally competent in their respective duties so that they could best deliver the Army’s core purpose of serving the people and securing the land,” dagdag ni Somera.
Sa pagkakaroon ng hurisdiksiyon sa Cordillera at Cagayan Valley ay hiniling ni Masagca ang patuloy na pagtutulungan ng mga stakeholders sa pagmimithi ng kapayapaan, sumusuporta sa mabuting pagbabago at pagsusulong ng kaunlaran sa lugar ng operasyon.
Palaging hinihingi ni Rimando ang tulong ng iba’tibang sektor sa dalawang rehiyon na nakapag-ambag sa katuparan ng mga misyon ng hukbo sa loob ng ilang taon.
Miyembro si Masagca ng Philippine Military Academy (PMA) “Sinagtala” Class ng 1986. Humawak siya ng ilang posisyon sa kaniyang 33 taon sa serbisyo gaya ng platoon leader, company commander, battalion commander, brigade commander, at kamakailan lang ay assistant division commander.
Nagkamit din siya ng ilang mga commendation at military award gaya ng limang Gold Cross Medal, Bronze Cross Medal at Military Merit Medal na ilan lang sa naigawad sa kaniya.
 
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon