PANGASINAN
Ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Center ng Department of Health (DOH) sa bayan ng Tubao, La Union ay nakapagsisilbi na ng nasa 200 pasyente araw-araw mula ng umpisahan ang operasyon nito
noong Hunyo 14. Ang BUCAS-Tubao na pinamamahalaan ng DOH at ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ay maaaring magsilbi sa hanggang 500 pasyente araw-araw mula ika-pito ng umaga hanggang alas-onse ng gabi, ayon kay ITRMC planning officer Harold Ducusin sa isang panayam noong Huwebes.
Ito ay ang ikalawang BUCAS Center sa rehiyon ng Ilocos matapos ang isa sa Banna, Ilocos Norte. Nagbibigay ang mga BUCAS Cebter ng outpatient services, gaya ng medical consultation, dental services, X-ray, laboratory testing, at
ambulatory surgical services. Sinabi ng DOH na ang establisimiyento ng mga BUCAS center ay bahagi ng
Modernization for Health Equity at ng”28 for 28 by 28″ initiative ni Health Secretary Teodoro Herbosa upang matulungang matupad ang 8-Point Action Agenda for health, puntiryang magtayo ng kahit 28 BUCAS Centers sa buoung bans ana magsisilbi sa 28 milyon Pilipino na silang mas nangangailangan ng madalaing makuha at de-kalidad na mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan sa taong 2028.
“Mayroon na tayong dalawang gumaganang urgent care facilities sa Ilocos. Ang isa ay nagbukas noong Mayo 28 sa Banna, Ilocos Norte, at ngayon ay maaari na tayong magbigay ng agarang serbisyong medikal, lalo na sa non-life-threatening medical issues na hindi nangangailangan ng isang emergency room ngunit kailangan ang agarang
pangangalaga at lunas,” ani Herbosa sa inagurasyon ng center sa Tubao noong Hunyo 14. Sa isang pahayag noong Miyerkoles ay sinabi ni DOH 1 (Ilocos) Director Paula Paz Sydiongco na tinutugunan ng pasilidad ang mga pangangailangan sa kalusugan ng lahat ng mga pasyente sa lebelo ng komunidad, pinagsamang pangangalaga, pagpigil, pagtataguyod, at edukasyon.
Nagsisilbi ang center bilang gitnang lugar sa pagitan ng primary care physicians at hospital emergency departments, tumutulong bawasan ang pagsisikip sa mga emergency room, na makakatutok na ngayon sa mas kritikal na mga kaso. “Ang mga health care facilities sa rehiyon ay magpapatuloy na palalakasin upang tiyakin ang katarungan at access sa health care services upang maabot ang universal health coverage,” ani Sydiongco.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
June 22, 2024