Bued River Blasting

Muling nagsagawa ng blasting operation sa Bued River sa Zigzag, Kennon Road, ilang metro mula sa Lion’s head noong Huwebes, Hulyo 18, 2019 para tanggalin ang mga malalaking tipak ng bato na bumara sa daluyan ng tubig sa nasabing ilog nang gumuho ang mataas na bahagi ng bundok noong nakaraang taon.

Ang unang pagpapasabog ay ginanap noong Hunyo 26, 2019, subalit maraming naiwang bato kaya muling ginawa ang operasyon bago mag-ala una ng hapon noong Huwebes. Ayon kay DPWH Baguio City Engineering Office district engineerr Rene Zarate, ang blasting operation ay isinakatuparan ng mga ekspertong blasters mula sa Philex Mining Corporation. Magsasagawa muli sila ng pangatlong blasting operation para tanggalin lahat ng natitirang mga bato at para mapagbigyan ang itatayong retaining wall sa naturang lugar.

Jimmy Ceralde /ABN

Amianan Balita Ngayon