BUHAY… MAPANGSUBOK, MASALIMUOT

Tunay at walang alinlangan, tayo’y nabubuhay na tigib ng mga pagsubok. Masalimuot. Bagay na sya sanang magpatibay ng ating kalooban
at determinasyon at katatagan upang makibaka sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ganito ang buhay, kahit may direksyon, sadyang kaakibat na ang mga balakid. Testing baga. Let’s go. Himayin natin. Sa nagdaang Mahal na Araw, saksi ang DAPLIS sa mga taong sumubok na hanapan ng paraan kung papano sila magsisi at makamit ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Sukdulang tinularan
ang Kalbaryo sa Krus ng Panginoong Hesus. Sila kaya ay napatawad? Sino ang makakapagsabing sila’y pinatawad? Wala. kundi ang kanilang sarili at konsiyensiya.

Marami kasi ang nanunumpa nguni’t pagkalipas ng ilang sandali lang…balik sa dati. Paimbabaw lang ba ang sumpa o pakitang-tao lang ang ginawa? Talagang masalimuot ang buhay. Dahil na rin sa mga pinaggagagawa natin. Minsan, nakakalimot, minsan lumalabis, minsan nagkukulang. Mapanghalina ang mga pagsubok sa buhay. Mga di sukat akalain. Mga di sukat na mangyayari. Mga kisap- mata at nandiyan na sa harapan mo. At ang kasunod “BAKIT”. Minsan, mahahanap mo ng kasagutan o lunas. Minsan, tingala na lang sa langit dahil ang katotohan: Diyos lamang ang nakakaalam. Patung-patong man ang mga katanungan…uuwi rin sa iisang kasagutan: Diyos lang ang nakakaalam.

Ito rin ang kasagutan sa praktikal na tanong ng mga naiiwan ng mga pumanaw: Sa puntong eto, ang pakikiramay ng DAPLIS sa mga
pumanaw na tao sikat man o hindi. Pinagpala sila dahil makakapiling na nila ang Poong Maykapal. Balikan natin ang pagpanaw ni Pope Francis na ililibing na sa Abril 26 – Sabado. Maala-alang nang siya ay dumalaw sa Pilipinas noong 2015, paglabas niya mula sa eroplano sa NAIA, inilapad ng hangin ang kanyang zucchetto, ang maliit na “skullcap” na nakaputong sa mga Obispo na sagisag ng awtoridad ng
opisyal ng simbahan. Isang paring Pilipino ang nakapulot sa “succhetto” at ibinalik sa Santo Papa.

Sabi ng mga analysts…may malalim daw na katuturan ang pangyayaring yon. Maaring pahiwatig ito na sa isang Pilipinong Pari malilipat
ang pagka-papa sa tamang panahon? Ang ating cardinal na si Anotnio Luis Tagle ay napabalitang paborito ni Pope Francis dahil sinusuportahan nito ang mga repormang isinasagawa ng Pinuno ng Simbahang Katoliko. Magugunita natin na mismong ang Papa ang nagtalaga kay Tagle sa mataas na posisyon sa Vatican. Maraming napansin din sa Vatican na tanging si Tagle lamang ang madalas
kausapin ng Papa nang sarilinan. Sabagay..hindi ang kagustuhan ng Papa ang masusunod sa isyu ng pagpapalit sa pagiging Santo Papa kundi pinagbubutuhan ito ng College of Cardinals.

Idagdag pa natin ang tsismis na baka naman napapasukan na ng pulitika ang isyung ito. Sa kasalukuyan…wala pang nakakabatid kung sino ang maaring papalit sa yumaong Santo Papa. Sa ating pagkakaalam, nasa 135 na Obispo ang maaring bumoto sa Papal Conclave. Kailangan ng 2/3 na mayorya ng boto ng mga Obispo para sa susunod na Papa. Kapag puting usok ang lumabas mula sa chimney ng
Sistine Chapel, ibig sabihin may napili na silang bagong Papa. Abangan. Adios mi amor, ciao, mabalos.

ERAP@93

SILA NA LANG BA?

Amianan Balita Ngayon