“BUKOD-TANGING IPINAPAMALAS NA PAGLILINGKOD SA BENGUET”

Bukod-tanging sipag ang ipinapamalas ni Benguet Congressman Eric Go Yap sa paghahagilap ng pondo para sa Benguet General Hospital and Medical Center (BeGH) at iba pang mga pampublikong pagamutan at klinika sa
probinsya. Kung dating P10M lamang ang dumadating na pondo sa BeGH kada taon, nitong 2023, umabot sa P248.5M ang natanggap ng BeGH at iba pang mga pampublikong pagamutan. Syento porsyento ang utilization rate ng mga pondong Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIP).

Sa anim na probinsya ng Cordillera Administrative Region (CAR), malayong nanguna ang Benguet (P248,574,184.36) sa allocated funds ng MAIFIP, kumpara sa pumapangalawang Kalinga na P119,000,000.00;
pangatlong Ifugao na P56,025,000.00; Mt. Province na P34,318,761.00; pang-apat na Apayao na P29,000,00.00;
Baguio City P19,549,554.00; at Abra P14,000,000.00. Samakatuwid, natatamasa ng mamamayan ng Benguet ang pagkukumahog ni Cong. EGY upang maghagilap ng pondo para sa kanyang mga kababayan.

Bilang patunay, sa taong 2023, 87,456 ang pasyenteng naalalayan ng serbisyong medical sa BeGH at iba pang pampublikong ospital sa probinsya, samatalang malayong 11,312 pasyente lamang sa Kalinga; 7,331 sa Apayao; 7,267 sa Mt. Province, 3,337 sa Abra; 2,874 sa Ifugao at 141 sa Baguio City. Para sa taong 2024, na umabot na naman sa P83.9M ang nailaan mula sa MAIFIP para sa Benguet at malayong pumangalawa lamang ang Kalinga (43.15M); pangatlo ang Mt. Province (P24.77); pang-apat ang Apayao; at huli ang Abra (P29,800.00).

Dahil sa mga natanggap na mga pondo para sa serbisyong pangkalusugan mula sa tiyaga ni Cong. EGY, ipinagmamalaki ng Benguet na tumaas din ang kita ng mga pampublikong ospital sa probinsya. Nagtamasa rin ng sapat na benepisyo ang mga libo-libong health workers sa probinsya na noo’y napapabayaan na. Mayroon na ring mga ipon ang mga pampublikong pagamutan, upang makapagpatayo ng bagong gusalin o makabili ng mga
makabagong makinarya at gamit sa mga pagamutang ito upang lalo pang mapabuti ang serbisyo sa taumbayan.

Amianan Balita Ngayon