BUWAN NG MULTO

K MAKAILAN, binulaga tayo ng barber natin kung kailan ang tinatawag na Ghost Month? Me ganun ba, ang daglian kong kontra-tanong. Ang nagpapagupit sa kabilang silya ang nakisawsaw. “Meron, a-kinse ng Agosto hanggang a14 ng Setyembre.” Kaya naman, nagtanongtanong tayo sa mga me konting kaalaman sa mga multo. Sa totoo lang, dalawang lugar sa Baguio ang tila naging usapusapang meron daw mga multong pagala-gala lang. Isa ang Dominican Hill retreat center na sa mga unang taon ng siglong 1900 ay naging pamosong dalanginan ng mga prayleng Dominican.

Naging Diplomat Hotel ito nitong mga nakalipas na makabagong mga dekada, at inabando hanggang mapasapamamahala ng Malacanang. Taong 2006, nailipat ang pamamahala sa lungsod ng Baguio, ngunit mula noon hanggang ngayon ay tiwangwang pa ring masasabi. Hindi ito nakalampas sa mga mapagmasid na paningin ng kasalukuyang administrasyon. Kamakailan,
tumanggap ang gobyerno local ng pondong magagamit upang pangunahan ang pagsasaayos sa pamamaraang conservationist ang pasilidad na ilang beses ding ginawang creative facility o ugnayan ng mga makasining na grupo.

Ang isa pang sinasabing paboritong pugad ng mga multo ay ang pinaglumaang Laperal “White House”, isang tatlong palapag na tahanan na sa paglipas ng panahon ay nagpapalipat-lipat ng pagmamay-ari. Noong isang taon, ito ay ginamit na kainan pangelitista. Hindi mabilang na naingganyo ng lugar ang nagsabing nakakatakot ang maging parokyano sa lugar. Ang mataas na preso ang kanilang kinasindakan, hindi ang sinasabing mga paikot-ikot na multo. Ngayong nasa
panahon tayo ng Ghost Month, makabubuting bigyang pansin ang mga pamosong lugar ng mga
sinasabing kaluluwa ng mga taong wala pang puwang sa itaas at sa ibaba.

Hindi naman daw paninindigan ng balahibo ang karansang makadaupang palad anfg mga ito. Pagala-gala lang, paikot-ikot. Walang sinasaktan, walang inaano. Kita kits, mga kabayan. Tutal pati bukas, a-21 ng Agosto, ginawa ring nonworking holiday. Maglaan ng panahon upang makaranas,
kung totoo man, ang mga samut saring mga bidahan tungkol sa mga romorondang mga katauhan. Malay mo, baka kamag-anak mo ang inyong makasalumuha. Pswede mong itanong at kumustahin ang kalagayan ng gumagalang kaluluwa. Okey naman, di ba?

Ang mga kaluluwang iyan ay ang pangunahing nakaangat sa kasalukuyang panahon. Levitation ang bansag sa kanilang kayang gawin. At para naman sa mga takot, hindi sa mga multo, kundi ke Covid, maaari pa ring magpaturok ng Biwalent. Kung nakadalawa, naka-apat na turok ka na, eto pa ang
pinakabagitong bakuna na panlaban sa naghihikahos na pandemyang sa panahong ito ay dedma na ang karamihan. Ang siste, tulad ng mga naunag napaulat, ang mga vaccination center ay tila libingan ng mga buhay. Marami pa raw ang nagpaparehistro sa darating na halalan ng barangay at kabataan. Nitong linggo nga, higit pa ang bilang ng mga daliri sa dalawang kamao kaysa bilang ng mga bagong kaso.

Kung baga sa pagpapalista sa eleksyon, langaw ang binibilang, hindi mga botanteng kagustuhan lamang ay mapabilang sa mga boboto. Kaya naman, mahalaga na maunawaan ang agos ni Covid.
Sinasabing kailangan ng pangatlong booster shot. Ang ngalan ay Bivalent, isang makabagong bakuna na nadisensyo upang puksain ang anumang abilidad na makahawa sa sangkatauhan. Eto si Pinoy at Pinay, punong abala sa mga paghahanap-buhay. Hindi alintana na si covid ay naririyan
pa rin. Nag-aabang ng mga mahahawahan. Eh ano nga naman kung maka-5 bagong kaso, para ke covid, tagumpay pa rin na makapaghasik ng lagim.

Hindi maikakaila na importante sa atin ang lumalaban para sa buhay at sa hanap-buhay. Lahat nga naman ay nagmamahalan — bigas, sibuyas, kamatis. Pati na aratiles ay binibili na rin. Pamatid-gutom nga naman. Kaya naman, nakakabahala ang balitang nandyan pa si Covid, may bagong variant na muling maghahasik ng pangamba at lagim sa isang sambayanang lampas dalawang taong singkad ang nanalasa sa atin. Kakaiba nga naman ang sitwasyon sa atin dine sa Baguio. Padala-dalawa ang average count ng new cases. Gayong pa-lima-lima na ang akyat ng numero, para pa ring dos por dos ika nga. O, ayun, parang dumaang hangin ang mga paalala ng kinauukulan.

Bisnis as usual, ika nga. Ang komento nga ng aking barbero, kung mismo ang ating Ama ng Lungsod, si Mayor Benjie, ay may pagakabahala na, tayo pa kaya. Tayo pa kayang walang pinaghuhugutan na A.I. support system. Tuloy pa rin sa pagaasikaso at pagsasa-ayos si MBBM sa mga sandamakmak na tungkulin ng kanyang tanggapan. Mga VIP guests sa iba’t ibang mga lugar. Mga opisyal ng ibang pamahalaang local. At maging mga miyembro ng gabinete ni PBBM, eto paboritong pasyalan ang Baguio. Paboritong puntahan upang bulagain ng mga ginagawa upang Smart at Safe City ang lungsod.

Amianan Balita Ngayon