CAYETANO, ITINUTULAK ANG PAGPASA NG ANTI-ONLINE GAMBLING ACTB SA GITNA NG PAGBABALIK NG E-SABONG

Nanawagan si Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes para sa mabilis na pagpasa ng AntiOnline Gambling Act sa gitna ng mga ulat ng patuloy na operasyon ng e-sabong sa bansa sa kabila ng pagsuspinde nito ng Pangulo. Ito ay matapos isiwalat ng Committee on Games and Amusement sa isang pagdinig sa Senado noong January 25, 2024 na ang operasyon ng esabong ay nagpapatuloy nang palihim. Noong 2022, sa kasagsagan ng pagkawala ng ilang mga sabungero at iba pang isyu na nauugnay sa esabong, mabilis na inihain ni Cayetano ang Senate Bill No. 63 na naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling at parusahan ang mga sino mang konektado rito.

“The pull of gambling, especially over the internet, makes it more alluring for our kababayan who cannot help but engage in such activities desperately hoping to immediately win large sums of money,” wika ng independent senador. “Online gambling platforms such as e-sabong have demonstrated how it can destroy the moral fiber of our
nation,” dagdag niya. Ipinatigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong noong May 2022 dahil sa “social impact” nito sa mga tao. Kasunod ito ng mga paulit-ulit na panawagan ni Cayetano tungkol sa mga masamang epekto nito. Ang patakaran ni Duterte laban sa e-sabong ay ipinagpatuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagutos ng patuloy na pagsuspinde nito noong December 2022.

Sa kabila ng mga hakbang na ito, patuloy pa rin ang kapulisan sa pag-aresto sa daan-daang indibidwal na sangkot sa lihim na operasyon ng e-sabong sa buong bansa. Layunin ng panukalang batas ni Cayetano na magpataw ng maximum penalties, kabilang ang pagkakulong at multa para sa mga lalabag. Ipinag-uutos nito, halimbawa, ang
pagtanggal sa serbisyo ng mga public office offenders, permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng public office, at pagbawalan na bumoto o makilahok sa mga halalan. Binigyang-diin ng independent senator na ang pagbabawal sa mga ganitong aktibidad sa buong bansa — gaya ng ginawa ng Lungsod ng Taguig — ay susi sa pag-unlad.

“Wala pong sugal sa Taguig. Ipinagbawal po namin ang casino pagdating ni [Mayor] Lani. May gusto ring magtayo ng sabungan at nagdonate pa ng lupa. N’ung hindi po namin pinayagan, doon po umusbong ang Fort Bonifacio
kung saan ngayon ay central business district na siya ng ating bansa,” wika niya. Iginiit din ni Cayetano na “moral obligation” ng lahat ang pagpigil sa pagsira ng Filipino values at pagtiyak ng mas magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon. “It is our duty as Godfearing people to raise future generations in a morally upright
environment, and to protect them from the evils and dangers that come with gambling, greed, and all the other vices that go along with it,” wika niya.

Amianan Balita Ngayon