CBAO umapilang gawing matatag ang mga gusali laban sa lindol

Community Billboard

LUNGSOD NG BAGUIO – Nanawagan ang City Building and Architects Office (CBAO) noong Martes sa mga engineers at builders na magdisenyo ng mga istruktura na kayang lagpasan ang isang intensity 8 na lindol.

“We do not have the authority to mandate but we are appealing to the designers of structures to make their buildings ready to withstand an earthquake with an intensity of 8,” ani CBAO chief Nazita Bañez.

Sinabi niya na ang sukatan ay magtatakda ng mas mataas na halaga para sa may-ari ng gusali ngunit masisiguro naman ang kaligtasan ng mga istruktura at seguridad ng mga pondong ginamit.

Sinabi niya na ang national structural code of the Philippines ay nagtatakda lamang sa mga gusali na tumugon sa sukatang kayang lagpasan ang intensity 6.5 na lindol subalit sa tala ay nakaranas na ang lungsod ng intensity 7.7.

“We have experienced a 7.7 earthquake in 1990, there were several buildings that collapsed and killed people. It is above the national requirement of 6.5, that is why we are urging the builders to make their standard an intensity 8 earthquake,” ani Bañez.

Sinabi niya na kasalukuyang gumagawa ang structural engineers’ association ng mga panukalang amiyenda sa building code para maisama sa pagbabago sa mga rikisito na kailangang makayanan ng mga gusali ang intensity 6.5 na lindol.

Hinimok din niya ang mga may-ari ng tituladong pag-aari na kumuha ng building permit na magsisiguro na ang disenyo ng kanilang gusali ay matatag.

“If they have a building permit, the engineer who designed it sealed and signed the design which attests that the materials and the design itself pass the standards. The building permit will assure the safety of the building because it was checked by the division in the government that issues the permit, the permit will also make sure that a soil test was done prior to the construction,” aniya.

Sinabi ni Banez na ayon sa rules and guidelines, ang mga gusaling tatlong palapag at pataas ay kailangang sumailalim sa soil testing, upang madetermina ang uri ng lupa at materyales na gagamitin sa konstruksiyon.

Ngunit binigyang pansin niya na ilan lamang sa mga propriedad sa Baguio ang may titulo sa lupa na siyang kailangan sa pag-isyu ng isang building permit.

Sinabi ng hepe ng CBAO na hindi naman isyu ang taas ng gusali sa pagsiguro ng kaligtasan ng isang istruktura.

“Height is not a factor whether it is safe or not. As long as it is properly and structurally designed, follows and uses a high standard of materials, walang dapat ikatakot (there is nothing to be afraid of),” dagdag ni Bañez.

Samantala, sinabi ni City Planning Officer Evelyn Cayat na ang City Land Use Plan (CLUP) na sumasakop sa zoning ay ikinonsidera ang hazard maps mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB).

“There are identified sinkholes and they have been tagged as un-buildable zones in Baguio,” aniya.

Sinabi niya na ang kriteriya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng isang “slope” na hindi na maitatatuwa ay hindi na aplikable sa lungsod dahil maliit na lamang na espasyo ang natitira para sa konstruksiyon.

Dagdag niya na kung maipatutupad ang kriteriya ay 20 porsiyento lamang ng lupa ng Baguio ang mailalaan sa pagpapatayo ng gusali.

“Several decades ago, the national government identified Quirino Hill as a relocation site, it was titled and awarded to beneficiaries who built their houses thereon, thus the impossibility of adapting the 20 percent threshold,” ani Cayat.

 

PNA/PMCJr./ABN