Ang Executive Order 2020-018 na may petsang Marso 17 kung saan nabigyan ng kopya ang media noong Miyerkoles, ay “an order suspending the entry of chicken dung effective Tuesday until further notice due to the threat of the 2019 coronavirus disease and avian flu.”
Binigyan-diin ng kautusan ang Proclamation 922 na tumutukoy sa local transmission ng COVID-19 at ang pahayag ng gobyerno ng laboratory results na kumukumpirma na may outbreak ng avian influenza H5N6 na maaaring mailipat sa mga tao.
Ang chicken dung na isang pangunahing commodity sa Benguet na ginagamit bilang fertilizer ay nakakaani ng 80 hanggang 85 posiyento ng iba’t-ibang highland vegetables.
“All kinds of vehicles transporting chicken dung for use as fertilizer in various farms within the province are hereby suspended effective today until further notice,” nakasaad sa kautusan.
Iniutos din sa mga chicken dung delivery truckers at farm owners na agad itigil ang pagbibiyahe ng chicken dung mula sa poultry farms sa baba papunta sa mga munisipalidad.
“Kasama na sa quarantine ang chicken dung. Hindi na pwedeng pumasok ang chicken dung, pati na rin ang poultry products,” sinabi ni Governor Melchor Diclas sa isang media briefing noong Martes.
DD,LA-PNA/PMCJr.-ABN
May 3, 2025
May 3, 2025