LA TRINIDAD, BENGUET – Patay ang isang chicken dung seller matapos itong pinagbabaril sa isang videoke bar sa Tili Shilan, La Trinidad, Benguet noong ika-28 ng Agosto 2018.
Ang biktima ay kinilalang si Alexander Domingo, 39anyos, at residente sa naturang lugar.
Ayon sa police report ni Police Officer 3 Florand O. Sim na siyang agad na rumesponde sa kaganapan, umiinom ang biktima nang siya ay pinagbabaril ng di pa nakikilalang suspek na nakasuot ng facemask at agad nakatakas sakay ng puting Innova.
Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang biktima.
Agarang umaksyon naman ang mga awtoridad na naglagay ng checkpoint sa Km.6 sa Poblacion, La Trinidad at sa Ambiong. Ngunit sa kabila ng patuloy na paghahanap sa suspek ay nabigo ang awtoridad na makahanap ng lead upang madakip ito. DOROTHY M. REGINO, UC Intern
September 2, 2018
September 2, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025