Mag-asawa, isa pang lalaki, patay sa mudslide sa Benguet

CAMP DANGWA,BENGUET – Isang mag-asawa at isa pang lalaki ang namatay sa mudslides habang kasagsagan ng ulan sa magkahiwalay na insidenteng naganap sa lalawigan ng Benguet noong Agosto 25.
Sa ulat ng Kibungan Municipal Police Station, ang mag-asawang sina Florentino Ligaten at Cristina, ng Tagpaya, Madaymen, Kibungan, Benguet, ay kasalukuyang nasa loob ng kanilang bahay, kasama ang anak na Clifford, nang biglang gumuho ang bundok at natabunan ang bahay, dakong 6 ng umaga.
Mabilis na nag-responde ang mga kapitbahay at nailigtas si Clifford na agad ding dinala sa Atok District Hospirtal, na ngayon ay nasa maayos na kalagayan na.
Sa bayan ng Buguias, ang biktimang Christian Asiong Babsa-ay, 27,empleyado bilang Globe collector, at residente ng Purok 3 Irisan, Baguio City, ay sakay ng kanyang motorsiklo patungong Baguio City, nang biglang gumuho ang gilid ng bundok at matabunan ito dakong ika-5 ng hapon sa may Halsema Highway, Km 73, Amgalueygey, Buguias, Benguet.
Napag-alaman na si Babsa-ay ay nakahinto sa harapan ng concrete residential house nang gumuho ang bundok. Sugatan din ang may-ari ng bahay na si Sanidad Bacquian Alawas, 57,storekeeper at dalawang bystander na sina Erkin Galino Onio, 31, ng Payeo, Besao, Mountain Province at Winnie Joy Lad-Ey Onio, 29, social worker, ng Pusel, Amgaleyguey, Bugiuas, Benguet.
Ang mga biktima ay naisugod ng mga nag-respodeng residente sa Northern Benguet District Hospital, Bekes, Buyacaon, Buguias, Benguet, pero si Babsa-ay ay ipinalipat sa Louis Hora Regional Memorial Hospital, Abatan, Bauko, Mt. Province, subalit namatay ito bago pa man dumating sa nasabing ospital. ZALDY COMANDA

Amianan Balita Ngayon