2 wanted persons, arestado sa isang araw sa Ifugao

CAMP JOAQUIN P DUNUAN – Sa kampanya ng Ifugao Provincial Police Office na oplan manhunt Charlie ay naaresto ang dalawang wanted persons noong Agosto 29, 2018.
Naaresto ng grupo ng Alfonso-Lista Municipal Police Station sa pangunguna ni PI Nelson Venus, deputy chief of police, ang suspek na si Loreto Domingo Eusebio Jr, 37 anyos, mekaniko at residente ng Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao sa krimeng reckless imprudence resulting in damage to property.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng bench warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Rodrigo F. Pascua Jr. ng 14th MCTC Ramon-San Isidro, Ramon Isabela.
Sa parehong araw, ang pinagsamang tauhan ng Aguinaldo at Mayoyao Municipal Police Station at RIU-14 sa pangunguna ni PSI Ruben B. Tamiray ay naaresto ang isa pang wanted person na kinilalang si Japee Chungalao Domingo, 30 anyos, single at resident ng Sitio Buyangan, Mayoyao Proper, Mayoyao, Ifugao sa krimeng sexual assault.
Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Rufus Malecdan ng RTC Branch 15, Alfonso Lista, Ifugao at may kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000.
Pinuri ni PSSupt David K. Peredo Jr., acting provincial director ng Ifugao Provincial Police Office, ang mga tauhan ng PNP sa masipag na pagtatrabaho upang maaresto ang mga wanted persons sa probinsiya at sinabihan silang ipagpatuloy ang kanilang magandang trabaho.

Amianan Balita Ngayon