Circumferential Road, lubhang kailangan na

Jul 9, 2017

Sa pag-usad ng mga taon ay palubha na ng palubha ang kalagayan ng trapiko, saan man lugar na kung saan nagkukumpol-kumpol ang karamihan ng tao- sa mga mauunlad o sentro ng kalakalan na siyudad, bayan o probinsiya. Isa ang lungsod ng Baguio na maituturing na may malubhang problema sa trapiko at ngayon ay unti-unti na ring nararamdaman ng karatig-bayan ng La Trinidad.
Matagal ng panahon na  nagtutulungan ang Baguio at La Trinidad sa larangan ng turismo at kalakalan lalo na sa pangangailan ng mga gulay ng lungsod. Dahil magkaratig lamang ang dalawa, at ang lungsod ng Baguio lamang ang tanging daan ng mga mangangalakal ng gulay patungo sa Manila at mga ibang probinsiya na pinakamalapit at madali ang biyahe kaya nakakatipid sila sa mga gastusin at malaki ang  kita. Ito ay noon, nang maluwag pa ang daloy ng trapiko at wala pang mga ordinansa sa mga daan.
Subalit nabahala na ang mga vegetable dealers dahil sa inilabas na truck ban ordinance 2017 ng Baguio City noong Pebrero 2017 at ipinatupad kamakailan lamang. Sa ilalim ng truck ban ay may takdang oras na ang pagdaan ng mga truck mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.
Umalma ang mga mangangalakal ng gulay at sinabing lubhang malulugi na sila dahil hindi na nila maibibiyahe sa takdang oras ang kanilang produkto at maaaring mabulok na o mabawasan na ang kalidad ng mga gulay. May punto rin sila dahil nasa 70 hanggang 80 porsiyento ng pangangailangan ng buong bansa ay galing sa probinsiya ng Benguet… kung tutuusin ay malaki ang magiging epekto nito.
Hindi rin masisisi ang lungsod ng Baguio sa nasabing ordinansa dahil kailangan ding maibsan at matugunan ang problema sa trapiko. Ayon sa hepe ng traffic enforcement office ng lungsod ay may positibong epekto ang truck ban sa trapiko. Sa kabila nito ay humihingi ang mga mangangalakal ng gulay ng exemption sa ban upang hindi rin lubhang maapektuhan ang kanilang delivery at ang magiging epekto nito sa ekonomiya at industriya ng gulay sa probinsiya ng Benguet (maaalala niyo ang truck ban sa Manila?).
Marahil ay mahirap bigyan ng solusyon ang trapiko dahil  mabilis ang pagdami ng sasakyan at tao subalit kumikitid naman ang mga daan. Dito na sana lubhang kailangan ang proyektong ‘Circumferential Road’ na magdadalawang dekada na yatang nakatengga. Malaking tulong ito lalo na sa truck deliveries dahil hindi na sila dadaan sa lungsod ng Baguio at mapapabilis pa ang biyahe. Pero nasaan na ang proyektong ito? Naumpisahan na nga ito kaya sana mabigyan na ito ng pansin ng dalawang congressman ng Benguet at Baguio upang tingnan ang posibleng magagawa dito upang mapakinabangan na ito at huwag lamang masira ang nagawa ng daan sa paglipas ng panahon at sa kaiisip ng paraan sa isyu ng truck ban. PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest