Coin exchange counters patuloy sa San Fernando

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Patuloy sa kampanya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at nagbukas ng coin exchange counters sa ilang local na bangko at commercial establishments tuwing Sabado, ayon sa mga opisyal sa isang press conference sa BSP regional office 1 sa Sevilla noong nakaraang linggo.
Ito ay upang ipagbigay-alam sa publiko na dahil sa hindi maayos na sirkulasyon at umano’y kakulangan ng mga barya ay,”Hindi naming pinagbabawal ang pag-piggy bank, kundi i-encourage sa lahat na i-recirculate ito para sa economic transactions,” pahayag ni Ralph William Meris, BSP bank officer in currency and integrity office.
Umaasa ang BSP at bankers association na ang proyekto ay mapipigilan ang tao na balewalahin ang kahalagahan ng mga barya at iniiwan na lamang sa kanilang bahay dahil tila pabigat sa kanila ito.
Ilalagay ang mga coin exchange counters sa iba’t-ibang malls at business establishments sa lungsod gaya sa San Fernando City market office, sa CSI City Mall, at Manna Mall na kung saan bukas sa mga oras ng 8:00 am hanggang 12 ng tanghali tuwing Sabado hanggnga Disyembre.
Ang pitong denominasyon ng mga barya gaya ng isa-, lima-, 10-, at 25- at ang P1, P5 at P10 na barya ay maaaring ipagpalit sa banknotes. ERWIN BELEO / ABN

Amianan Balita Ngayon