COLORUM VEHICLES MAHIGPIT NA BINABANTAYAN SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Inatasan ni Mayor Benjamin Magalong ang Baguio City Police Office na maglunsad ng agresibong kampanya laban sa mga colorum public utility vehicles na naobserbahang muling dumami ngayong
holiday season. “Kailangan nating itigil ang operasyon ng mga colorum na sasakyang ito dahil hindi lang ito nakakatulong sa problema natin sa trapiko kundi nalalagay din sa panganib ang kaligtasan
ng ating commuting public,” pahayag ni Magalong.

Nanawagan din siya sa publiko na tulungan ang lungsod na alisin ang mga hindi awtorisadong PUV sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa kanila. “May apat na dahilan kung bakit dapat nating iwasan ang pagtangkilik sa mga iligal na transportasyong ito: Ang kanilang kaligtasan ay kadudadudang; itong mga colorum trip ay crime magnets; ang mga commuters ay mas nanganganib sa abala; at ang mga colorum na sasakyan ay hindi insured,” ayon kay Magalong.

Para matugunan aniya ito, kailangang paigtingin ng lungsod ang pagpapatupad ng City Ordinance Number 55 Series of 2017 o ang AntiColorum Ordinance. Tumaas ang operasyon ng mga colorum na sasakyan dahil sa tumaas na pangangailangan sa transportasyon tuwing holiday. Pinarurusahan ng Land Transportation Office ang mga colorum operation na may multang P200,000 at pagimpound ng sasakyang demotor na ginamit sa ilegal na aktibidad.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon