TRAPIKO SA MARCOS HIGHWAY, NAIBSAN DAHIL SA KENNON ROAD

BAGUIO CITY

Muling naibsan ang daloy ng trapiko sa Marcos Highway bago sumapit ang araw ng Pasko, makaraang muling binuksan sa two-way traffic ang Kennon Road, noong Disyembre 24. Ang muling pagbubukas ay ipinatupad ng Metro BLISTT (Baguio-La TrinidadItogon-Sablan-Tuba-Tublay) Councils na pinamumunuan ni Mayor Benjamin Magalong, dahil sa lumalalang trapiko sa
kahabaan ng Marcos Highway patungo sa lungsod.

Tanging mga light vehicles lamang ang pinayagang makadaan dito na may maximum speed limit na 40 kph at walang dapat pumaradang sasakyang sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Kennon Raod. Ang mga UV Express na bumibiyahe sa rutang BaguioRosario lamang ang pinayagan din na makadaan dito. Ang Kennon Road ay isa sa mga pangunahing daanan patungo sa Baguio City at sa
lalawigan ng Benguet at ito ang pinakamaikling ruta patungong Rosario, La Union hanggang Baguio City na may kabuuang 33.7 kilometro.

Bilang resulta ng pagsasara ng Kennon Road, ang mga alternatibong ruta patungo sa Baguio City at
Benguet ay nakararanas ng matinding trapiko sa abala ng mga residente at turista. Ang muling pagbubukas ng Kennon Road ay magreresulta sa maraming benepisyo na kinabibilangan ng kaginhawahan at kaginhawahan ng mga motorista, pagtitipid sa gastos at oras, decongestion ng mga alternatibong kalsada at muling pinasigla ang pangekonomiyang aktibidad sa ruta.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon