LINGAYEN, Pangasinan
Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) sa Pangasinan na ‘all systems go’ na ang probinsiya para sa nalalapit na election period at paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay Atty. Marino Salas, provincial election supervisor, nakipagpulong na ang COMELEC sa Provincial
Joint Security Control Center (PJSCC) para sa implementasyon ng seguridad at gun ban sa panahon ng pagsusumite ng COC mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
“All systems go na tayo. Actually, kanina na-convene na namin ang Provincial Joint Security Control Center. ‘Yong city at tsaka municipal ay nagconvene na rin sila. Para ito sa full implementation ng security, ng gun ban, at filing ng COC,” ani Salas. Dagdag pa niya, nasa
limampu hanggang animnapung libong indibiwual ang inaasahang maghahain ng kanilang kandidatura. Edad labingwalong taon pataas ang maaaring kumandidato para sa posisyon sa barangay, at 18 taong gulang hanggang 24 taong gulang ngunit hindi lalagpas sa 24 taon ang edad sa araw ng eleksyon para naman sa mga kakandidato para sa posisyon sa sangguniang kabataan.
“Dapat ay Filipino citizen, registered voter doon sa barangay, able to read and write Filipino. Dapat ‘yong SK candidate should not be related within the second civil degree of consanguinity or affinity sa any incumbent elected official within the locality,” payo ni Salas sa mga maghahain ng kanilang COC. Samantala, nagpaalala si Salas sa mga nais tumakbo sa BSKE na ipinagbabawal ang maagang pangangampanya at nagbabala na sino mang mahuling lalabag ay papatawan ng kaukulang kaparusahan. “Once na nag-file na kayo ng inyong COC ay you are considered a candidate.
So, from that ay hindi na kayo pwedeng mangampanya kasi ang campaign period ay magsisimula pa lang sa October 19 hanggang October 28. Otherwise, pwede namin kayong kasuhan o kaya’y madisqualify,” ani Salas. Hinimok ni Salas ang mga kandidato na manalo man o matalo sa eleksyon ay kaagad silang maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) kaugnay sa kampanya at iba pang gastusin na may kinalaman sa halalan.
(JCDR/PIA Pangasinan/PMCJr.-ABN)
August 26, 2023
August 26, 2023
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025