COMMUNITY SERVICE-ORIENTED POLICING PROGRAM SA BAYAN NG ITOGON

Pulis @ Ur Serbis

Bilang bahagi pa rin ng kanilang tuloy-tuloy na Community Service-Oriented Policing (CSOP) Program sa bayan ng Itogon, ang kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15) kasama ang Regional Medical and Dental Unit- Cordillera ay matagumpay na nagsagawa ng Medical at Dental Mission sa Sitio Salapsap at Sitio Karil ng Brgy. Dalupirip, Itogon, Benguet noong Hunyo 13, 2022.

Sa kabuoan, 22 medical check-ups at 32 dental services ang naisagawa ng mga kapulisan para sa mga residente ng nasabing barangay.

Samantala, sa pakikipagtulungan naman sa Department of Tourism – Cordillera na pinamumunuhan ng DOT Regional Director na si Ms. Jovita A. Ganongan, ang RMFB15, Benguet 2nd PMFC at mga officials ng Brgy. Dalupirip ay nakapag-organisa ng pitong araw na Community Guiding Seminar na nilahukan ng 35 na mga residente mula sa iba’t ibang sitio ng Brgy. Dalupirip.

Sa loob ng pitong araw, ang mga kalahok ay sasailalim sa pagsasanay bilang mga epektibong “tour guides” sa kanilang mga lugar pasyalan. Layunin din ng nasabing seminar na ipakilala ang mga tourist spots ng Dalupirip upang makatulong sa pagpapalago at pagpapa-unlad ng kanilang lugar.

(PROCOR-PIO)