BAYANIHAN ACTIVITIES

Sa Cordillera, madalas makikita ang mga kapulisan na tumutulong sa mga konstruks’yon ng mga pribadong bahay, simbahan, at pampublikong establisyemento bilang pakikibahagi sa buhay na buhay na kultura ng “baddang” o bayanihan sa rehiyon.
Tulad na lamang sa Mountain Province, ang mga kapulisan ng 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company (PMFC) ay walang sawang tumutugon sa kahilingan ng mga residente na sila’y makilahok sa ilang bayanihan activities sa kanilang lugar.
Sa bayan ng Bontoc, agad na tumugon ang grupo ng kapulisan sa kahilingan ng isang ginang na nagangailangan ng karagdagang manpower para sa pagbuhos ng semento sa ipinapatayo niyang bahay.
Samantala, sa bayan naman ng Barlig, isa pang grupo ng kapulisan ang tumulong sa pagbubuhat ng mga graba at buhangin para naman sa konstruksiyon ng isang pathway sa Brgy. Fiangtin.
At sa lalawigan naman ng Kalinga sa bayan ng Pasil, naki-isa ang kapulisan ng 2nd Kalinga PMFC kasama ang mga guro at magulang sa isinagawang Brigada Eskwela sa Dalupa Elementary School.
Tulong-tulong nilang inayos at sinemento ang riprap sa paligid ng paaralan upang maiwasan ang paguho ng lupa.
(PROCOR-PIO)

Pulis @ Ur Serbis

Amianan Balita Ngayon