Suportado ni Mayor Benjamin Magalong ang panukalang batas na “congestion fee” na ipapataw sa mga turista na magdadala ng ng kanilang pribadong sasakyan na magtutungo sa Summer Capital bilang paraan na ma-regulate ang pagsisikip ng trapiko sa lungsod. Napakaganda an makabagong teknolohiya ang gagamitin para maging ganap
na matagumpay ang implementasyon nito sa ating siyudad, na hinango pa sa ibang bansa.
Huwag na po tayong maging “pilosopo’ sa panukalang batas na ito, dahil kung tutuusin ay kulelat na tayo sa programang ito. Bagama’t napakaliit ng fee na siyang napagkasunduan, ay magiging income generating fund ito ng
siyudad para magamit sa traffic, basura at polusyon, na kalimitan ay dala ng mga turista. Hinalimbawa ni Councilor
Leandro Yangot, ang traffic na nararanasan natin ay isinisisi sa dami ng turista na umaakyat sa lungsod, sila din ang
nagpapadami ng volume ng basura at nagkakalat ng polusyon mula sa kanilang sasakyan.
Ang kapirangot na fee na P50 ay balewala sa isang sasakyan na ang laman ay 5 o’ 10 katao. Totoo po, turismo ang
buhay ng Summer Capital, pero alalahanin ninyo na ang isang turista na may dalang sasakyan ay gumagastos ng hindi bababa sa P10,000 sa pag-stay niya dito, hindi pa kasali diyan ang gasoline at toll gate kaya gaano ba kalaki ang P50 para sa isang motorist ang batas na ito. Ang programang ito ay hindi lamang mga residente ng siyudad ang
makikinabang,kundi maging mismong mga turista,dahil ang malilikom na pondo ay gagamitin sa pangaraw-araw
na activities sa trapiko.
Ayon kay Magalong, nakipag-ugnayan na siya sa mga opisyales ng Singapore para maisagawa ang makabagong teknolohiya para sistema ng operasyon ng proyektong ito sa tulong ng ating Smart Command Center. Aniya, kapag naisa-batas na ang panukalang ito ay magkakaroon pa ng mga public consultation para labis na maunawaan ng publiko ang gagawin ng siyudad na maiprogram ang bagong teknolohiya sa mga pampublikong sasakyan.
Nasa programa din ni Magalong ang ilalagay na mga ‘tracker device” sa mga taxi at jeepney upang mapadali ang
transportasyon at seguridad laban sa masasamang-loob. Sa pamamagitan ng Smart Command Center ay makikita
ang galaw ng isang sasakyan kung saan ito papunta at kung saan hahanapin. Sa totoo lang sa ibang bansa, ginagawa na ito, kaya panahon naman siguro na mangyari ito sa ating lungsod, lalo na’t dagsain tayo ng mga turista na dapat din bigyan sila ng proteksyon.
Kaya sa mga bashers at inggeterong pulitiko, huwag po nating sirain ang isang magandang programa, sa halip
ay suportahan natin ito,lalo na’t ang makikinabang ay ang pangkalahatan tungo sa maunlad at mapayapang pamumuhay sa siyudad ng Baguio. Huwag na po kayong magkomentaryo ng hindi maganda, dahil ang mga sasakyan na taga- Baguio ay hindi kasali sa batas na ito at pinag-aaralan din na ilibre ang mga sasakyan mula sa LISTT (La Trinidad-Itogon- Sablan-Tublay-Tuba) o’ maging rehistradong sasakyan sa Cordillera, kaya WALA po kayong dapat ireklamo at hindi po malaking epekto ito sa turista na may dalang sasakyan.
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025