Cook Huli sa Marijuana, Paglabag sa ECQ

BAGUIUO CITY — Isang 24 anyos na cook sa isang restaurant sa lunsod na ito ang nadakip ng miyembro ng Precinct 5 ng Bauio City Police Office (BCPO) matapos lumabag ito sa enhanced community quarantine noong Abril 21, 2020 sa barangay Balsigan ng syudad na ito.

Nakilala ang nasabing suspek na si Jason Vida Alejando, 24 residente ng San Vicente , Baguio City at isang cook sa isang restaurant sa lunsod.

Ayon sa ulat nina P/Cpl. Ernesto Sibayan at Pat.Rijanel Domingo ng Precinct 5 kay Police Captain Ralph Gannaban Dayat, hepe ng Precinct 5, BCPO kasaluyan umanong nagroronda sila kasama ang kanilang supervisor na si P/Lt Andres C.Alcantara alinsunod sa umiiral na curfew sa lunsod ng makita nila umano ang suspek na kasakay sa isang motor na nakaparada sa kanto ng Balsigan.

At nang aktong lalapitan nila umano ang suspek ay agad itong lumakad na nagmamadali palayo sa kanyang motorsiklo subalit sinundan ito ng mga pulis at sinita kung bakit sa oras na 11:15 ng gabi ay nasal labas pa ito ng lansangan kung kayat hinuli nila ito.

Sa pagiimbestiga nalaman din ng kapulisan na may dalang tatlong plastik ang suspek na may lamang tuyong marijuana (dried marijuana leaves) na may 5.466 na gramo.

Ayon kay Alcantara sinampahan ng ang suspek ng kasong paglabag sa ECQ at paglabag sa R.A. 9165 at R.A. 11332.

Carlos Meneses/ABN

Amianan Balita Ngayon