CAMP DANGWA, Benguet – Pinarangalan bilang Best Regional Drug Enforcement Unit of the Year ang Regional Drug Enforcement Unit (RPDEU) ng Police Regional Office, kaugnay sa anti-illegal accomplishment na umaabot sa P10 bilyon sa rehiyon ng Cordillera.
With the theme: “Pulis at Mamamayan Magtulungan, Ilegal na Droga Labanan, Tungo sa Maunlad na Pamayanan”, ang awarding ceremony kay kaugnay sa pagdiriwang ng 5th Founding Anniversary ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na ginanap noong Hunyo 29 sa PNP Multi-Purpose Center, Camp BGen Rafael T Crame.
Sa nasabing okasyon, ang RDEU – Cordillera was recognized as the best Regional Drug Enforcement Unit under the Special Award Category. Ariel Giwagiw, officer-in-charge ng RPDEU at Lt. Christopher Tudias, team leader.
Ang award ay kaugnay sa kabuuang P10.5 bilyong halaga ng illegal na droga na naging accomplishment sa mga isinagawang anti-illegal drug
operation sa nakalipas na anim na taon, mula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 2022. Ang mga nakumpiska na illegal na droga ay kinaibilangan
ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana,buto ng marijuana seeds, hashish, oil, stalks, seedlings, resin at fruiting tops.
Sinabi ni Giwagiw na umaabot sa 2,435 ang naisagawang buy-bust, search warrant operation at marijuana eradication sa iba’t ibang
lalawigan sa rehiyon sa nasabing period.
May kabuuang 2,548 drug personalities, mga indibidual ang nahuli at nasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o’ Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Zaldy Comanda/ABN