CORDILLERA POLICE TINANGGAP ANG COURTESY RESIGNATION

CAMP DANGWA, Benguet

Suportado ng Police Regional Office-Cordillera ang panawagan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. para sa lahat ng police generals at colonels na magsumite ng courtesy resignation para malinis ang kanilang hanay sa mga sangkot sa ilegal na droga. “We support and we accept the challenge na mag- tender ng courtesy resignation.” ito ang naging pahayag ni Brig.Gen.Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office- Cordillera, noong Enero 6.

Nilagdaan na ni Bazar ang kanyang courtesy resignation letter noong Biyernes 6 at ipapadala kay Presidente Ferdinand Marcos,Jr. at Sec.Abalos. Ayon kay Bazar, may kabuuang 18 high ranking
officials ng PROCOR ang kasama sa courtesy resignation, na kinabibilangan ng dalawang Brigadier General at 16 na Colonel. Umayon din ang PROCordillera ang pagtatalaga ng kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang miyembro ng Committee of Five.

Ang panel ay nilikha upang magsagawa ng masusing evaluation at assessment sa mahigit 950 PNP
colonels at heneral na inaasahang magsumite ng courtesy resignations. “Maganda kung kasama
si Mayor Benjamin Magalong sa mag-evaluate at assessment sa amin. Alam naman natin ang
background at character niya as former PNP.” Aniya, walang magiging epekto sa patuloy na serbisyo sa peace order ng pulisya, dahil i-evaluate pa naman yong mga courtesy resignation at status quo muna ang kanilang mga position.

“ Ang maipagmamalaki lamang natin dito ay mabansagan tayong Home of Disciplined Cops ang
Cordillera at kung sa illegal drugs ay napakaliit lamang at isyu sa marijuana plantation ay lagi nating inaaksyunan,” pahayag pa ni Bazar.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon