CORDILLERAN COP BAGONG PROVINCIAL DIRECTOR NG LA UNION

SAN FERNANDO CITY, La Union – Isa nanamang taga-Cordillera ang itinalagang provincial director ng La Union Provincial Police Office (LUPPO), sa simpleng turn-over ceremony na pinangunahan ni BGen. Belli Tamayo,regional director ng Police Regional Office 1, kahapon, Agosto 17, sa Camp Diego Silang, San Fernando City, La Union. Itinalaga bilang bagong Provincial Director ng LUPPO si Colonel Lambert Suerte, bilang kapalit ni Col Jonathan
Calixto na itinalaga naman bilang Battalion Commander ngRegional Mobile Force ng National Capital Region Police
Office (NCRPO). Si Suerte, na taga Bokod, Benguet at si Col Calixto,na taga-Besao,Mt.Province ay magkakalase sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Kabalikat” Class 1998.

Pinarangalan at pinasalaman ni Tamayo si Calixto mula sa panunungkulan nito sa loob ng isang taon at limang buwan sa mahusay na serbisyo sa lalawigan at naniniwala siya na ang mga proyekto, programa at aktibidad ng kapulisan ay mas papaigtingin pa ng bagong itinalagang provincial director. Nagpasalamat din si Calixto sa suporta na ibinigay sa kanya ng lahat ng bumubuo ng LUPPO, Local Chief Executives, Stakeholders at mamamayan sa loob ng kanyang panunungkulan.

Ayon naman kay Suerte, nagpasalamat siya sa tiwala at kompyansa na ibinigay sa kanya bilang bagong pinuno ng
LUPPO at pangungunahan niya ang taos-pusong paglilingkod sa mga mamamayan ng La Union at ipapatupad sa
lalawigan ang M- Malasakit, KKaayusan, K- Kapayaan tungo sa K- Kaunlaran na programa ng Chief PNP, PGen Rodolfo Azurin Jr.

Pinasalamatan naman ng buong pamunuan ng LUPPO ang mga Chief of Offices ng DILG, NICA, NAPOLCOM at si
Hon. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega David, Provincial Governor sa pagdalo sa nasabing turn-over ceremony.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon