‘COVID outbreak’ sa hindi bakunado sa Baguio

Metro BLISTT

BAGUIO CITY – Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na dulot ng Delta variant ay karamihan sa tinatamaan ng infections ay mga hindi bakunado. Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID ay dulot ng mabilis na pagkalat ng Delta variant. Sa kasalukuyan ay may 25 kaso ng Delta variant sa lungsod.

Napag-alaman mula sa mathematical computation on vaccine effectiveness sa siyudad ay lumilitaw na ang isang unvaccinated persons ay 4 na beses nay tsansang tamaan ng virus.

Pero, hindi sinasabi na ang isang bakunado na ay hindi na tataman ng virus o’ makadevelop ng symptoms.

“Our vaccines are not perfect but they lessen the chances of developing severe symptoms, hospitalization and death. There will be breakthrough infections but what is important is that we will not be among those in the hospitals needing oxygen and ventilators to stay alive,” pahayag ng helth official.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Services Office (CHSO), hindi alam ng isang hindi bakunadong individual na infected na mabilis itong makahawa ng virus sa mga hindi pa bakunadong tao at ang mga ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng outbreak sa mga unvaccinated.

Ayon sa CHSO, karamihan din sa mga pasyente sa ospital at isolation facilities ay mga individuals na hindi pa bakunado.

Karamihan din sa mga pasyenteng na nasa ospital o’ isolation facilities na pawang severe o’ nasa kritikal na kalagayan ay mula sa mga vulnerable group, na gaya ng senior citizens at persons with comorbidities.

“Kailangan talaga natin mabakunahan ang mga vulnerable groups. Magtulungan tayo na mahimok sila, lalo na sa mga senior citizens na takot o’ ayaw ng bakuna, dahil sila ang mabilis kapitan ng virus.,” panawagan ng CESU.

Iniulat din na 97.326 percent o’ 364 katao na hindi bakunado ang namatay dahil sa COVID, samantalang 10 o’ 2.674 percent naman ang namatay na bakunado, mula ng magsimula ang vaccination noong Marso 2 hanggang Setyembre 15,2021.

Mula Setyembre 1 hanggang 24, pumalo na sa 5,384 kaso ng COVID sa lungsod dulot na mabilis na pagkalat ng Delta variant, samantalang 109 ang namatay.

Asahan pa epekto ng Delta variant surge sa mga susunod na dalawang buwan bago malaman ang downtrend ng kaso.

Sinuguro naman ni Mayor Benjamin Magalong na sa patuloy na implementation of restrictions, increased compliance to public health standards at ramping up of vaccination, ay malaki ang posibilidad na maibaba ang kaso sa lungsod sa madaling panahon.

Matatandan na nagbabala si Magalong kamakailan na gaya ng nangyayari sa ibang bansa,na ang siyudad ay tatamaan ng Delta at mararamdaman ito sa loob ng tatlong buwan.

“Our surge ay nagsimula noong Agosto 20, kaya may halos isang buwan pa lang tayo,kaya may dalawang buwan pa. At bago pa mangyari ito ay ginagawa natin ang ibayong paghihigpit sa mga border, paglimita sa movement ng mga tao, total liquor ban, granular lockdown at pabilisan pa ang vaccination program,” pahayag ni Magalong sa naganap na Ugnayan sa City Hall kamakailan.

Zaldy Comanda/ABN