CTG MEMBER MULA SA SORSOGON SUMUKO SA BENGUET

LA TRINIDAD,Benguet –Isang miyembro ng Kilusang Makabayan sa ilalim ng Communist Terrorist Group (CTG) ang nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan,matapos ang mahigit sa 10 taon na pananatili sa kabundukan ng Cordillera at boluntaryong sumuko sa Benguet Provincial Police Office, Pormal na tinanggap ni Gov. Melchor Diclas si Alyas Agape/Aklay, 30,tubong Barcelona,Sorsogon, nang iharap siya ni Col.Reynaldo Pasiwen, provincial
director,noong Agosto 2 sa provincial capitol, para mabigyan ng government financial.

Ayon kay Pasiwen, si Ka Agape ay miyembro ng Kilusang Makabayan- Mandaluyon Chapter ay narecruit ng Anakbayan sa edad na 20 at naging chairman ng Kilusang Makabayan. Sumali siya sa armed wing ng CTG noong taong 2013 kung saan siya ay ipinadala sa Mountain Province hanggang sa taong 2020. Naging Supply Officer sa ilalim ng Leonardo Pacsi Command ng Ilocos-Cordillera Regional Command, na kumikilos sa mga lugar ng
Barangay Gueday, Dandanak, at Mainit at munisipyo ng Besao at Sagada sa buong Mountain Province at sa mga kalapit na lugar.

Noong Hulyo 18, nagpasya siyang bumalik sa mga kulungan ng batas sa pamamagitan ng pagsuko sa mga awtoridad.
Isinuko di nito ang kanyang baril na isang homemade M14 rifle na may isang magazine at limang piraso ng 7.62 live ammunition. Ang boluntaryong pagsuko ng nasabing rebelde ay bunga ng sipag ng Benguet PNP sa pagsasagawa ng
intelligence driven operations kaugnay ng pagpapatupad ng “Dumanon Makitongtong” program.

Bibigyan din ang dating rebelde ng tulong pinansyal sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno sa pagwawakas ng armadong labanan matapos maproseso ang mga kinakailangang dokumento.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon