CULTURAL HERITAGE TAMPOK SA OPISINA NG CHED-CAR

LA TRINIDAD, Benguet

Hiniling ng Commission On Higher Education – Cordillera Administrative Region (CHED-CAR) na ipamahagi
ang cultural heritage ng iba’tibang probinsya sa kanilang pangunahing opisina sa La Trinidad, Benguet. Mahahalagang pangyayari, kagamitan, parangal at iba pa, ang nakapaskil at nakatanghal sa kanilang hagdan mula una hanggang ikatlong palapag. Ayon kay Menzie Kuengan, Supervising Education Program Specialist ng CHED-CAR, layunin nito maging tulay para maipahayag ang cultural heritage ng bawat probinsya, paano umunlad ang
Baguio para maging sentro ng edukasyon ng Norte (Northern Luzon).

“Ang CAR ay “home to top notchers, home to many disciplines, performing schools… at sa mga board exams, meron at meron tayong nagto-top.” Tampok dito ang iba’tibang paaralan; Saint Louis University, University of Cordilleras, at University of Baguio bilang “Pillars of Private School,” Kalinga State University, Apayao State College, Ifugao State
University, Benguet State University, at iba pa. Patunay ito ng CHED na hindi nagpapahuli ang CAR sa talakayang pang-edukasyon, kasabay sa pagpapanatili na buhay ang kultura, at masusing paggabay sa edukasyon ng kinabukasan. “We are rich in cultural heritage, and that we can use it in our higher education programs” pahayag ni Kuengan.

Carl Aggasi Paterno/ UB-Intern

Amianan Balita Ngayon