SENATOR MARCOS, NAGBIGAY SUPORTA SA CSO SA LA TRINIDAD

LA TRINIDAD

Dalawangpu’t anim na rehistradong Civil Society Organization (CSO) ang nakatanggap ng mga kagamitang pang-agrikultura mula kay Senador Imee Marcos, noong Marso 14. Pinangunahan nina Mayor Romeo Salda at Municipal
Agriculturist Nida Organo ang pamamahagi ng kabuuang 498 crates at 1,400 na t-shirt sa mga magsasaka sa munisipyo ng La Trinidad. Iba’t ibang mga asosasyon ng mga magsasaka na binubuo ng mga nagtatanim ng strawberry, mga magsasakang gulay, at mga nagtatanim ng mga bulaklak mula sa 16 na barangay ng La Trinidad, Benguet ang nalatanggap ng ayuda.

Ayon kay Salda, ang mga interbensyon sa agrikultura ay bahagi ng Post-Harvest Project ng Senador. “Mas fresh at
maganda ang post-harvest if we are going to put in the crates ang mga harvest natin.” Nagpahayag din ang mga
magsasaka sa kahalagahan ng crates para sa kanilang hanapbuhay. Kanila itong magagamit hindi lamang sa ani, kundi pati na rin sa lagayan ng itatanim (semilia), kanilang mga benta, at pagaangkat ng ani patungo sa ibang lugar sa Pilipinas. Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga benepisyaryo at binigyang-diin ang kahalagahan ng suporta para sa kanila bilang mga magsasaka.

Ipinahiwatig naman ng isang magsasaka na ang mga crates na ipinamahagi ng Senador ay di lamang para sa nakadalo,kundi pati na rin sa ibang kapwa nila magsasaka na nais humiram ng kagamitan mula sa kanila. Binanggit ni Salda ang kanaisan ni Senator Marcos na dumalo ng personal sa pamamahagi ng tshirts at crates, pati na rin sa pagiging guest speaker para sa nakaraang selebrasyon ng Strawberry Festival, ngunit ito ay naudlot dahil sa kanyang importanteng gawain sa Senado. Ayon kay Salda, sa usaping El Niño, walang epekto ito sa pananim ng mga magsasaka ngayon, ngunit ito ay inaasahang maramdaman ang mga epekto sa darating na buwan ng Abril. Handa na ang Department of Agriculture sa mga magiging dulot nito.

Charisse Kate Ricardo/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon