DA-CAR inaprubahan ang P75-M processing plant ng gulay

Headlines

LUNGSOD NG BAGUIO – Inaprubahan ng Department of Health sa Cordillera Administrative Region (DA-CAR) ang pagsama sa 2021 badyet nito ang isang PhP75 milyon vegetable processing facility upang mapanatiling mas tumagal ang mga preskong produkto.

Sinabi ni DA-CAR regional director Cameron Odsey na ang processing facility ay itatayo sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC).

“It’s a processing center.

One is PHP50 million worth and the Secretary (William Dar) has specifically instructed us to discuss this with BSU (Benguet State University).

The other one has a smaller capacity. It will be placed somewhere strategically
at the production area where the excess can be temporarily placed and not brought to the big facility,” pahayag ni Odsey sa isang press conference noong Huwebes.

Sinabi ni Odsey na ang center ay maaaring magkaroon ng drying, dehydrating, o juicing equipment para sa ilang gulay gaya ng carrots at kamatis.

Sinabi ni Odsey na ang desisyon na magtayo ng pasilidad dahil libo-libong tonelada ng carrots mula bayan ng Buguias sa Benguet at mga kamatis mula Ifugao ay napaulat na nabubulok at itinatapon sa panahon ng enhanced community quarantine sa gitna ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Sa panahon ng ECQ, sinabi ni Odsey na nagkaroon ng kakulangan ng mga mamimili at mababang demand para sa mga preskong gulay.

Sa huling board meeting ng BAPTC ay sinabi niya na isang pribadong lokal na investor ang nagpakita ng interes na gawin ang carrots na juice.

Gayunpaman, binigyan-diin ni Odsey na walang overproduction ng mga produktong agricultural lalo na ang carrots kung saan ang presyo ay lubhang bumagsak na nag-udyok sa mga magsasaka na ipamigay na lamang ang mga ito.

“Maliit ang demand dahil nawala ang mga activities that require the public to buy,” aniya.

LA-PNA/PMCJr.-ABN