DA-CAR iniulat ang P308- M lugi dahil kay ‘Ulysses’

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Department of Agriculture – Cordillera Administrative Region (DA-CAR) noong Martes na nasa 14,399 metric tons (MT) ng sari-saring produktong agrikultura na nagkakahalaga ng PhP308,722,461 ang nasira dahil sa bagyong Ulysses na nakaapekto sa 10,212 magsasaka.

Naitala ang mais na may pinakamalaking lugi sa PhP167.7 milyon; sunod ang bigas sa PhP114.16 milyon; high-value crops PHP24.33 million; livestock at poultry PHP2.42 million; at cassava PHP50,000. Sinabi ni Dr. Cameron Odsey, DA-CAR OIC regional director na ang Ifugao ang pinakaapektado na nag-ulat ng PhP139,909 milyon: nakapagtala ang Apayao ng PhP69.207 milyon; Kalinga na may PHP35.115 milyon; Mountain Province PHP30.260 milyon; Benguet PHP18.212 milyon; at Abra na may PhP16.017 milyon na pagkalugi.

Sinabi ni Odsey na patuloy silang nakakatangap ng mga ulat mula sa mga probinsiya at munisipalidad sa pagpapatuloy ng balidasyon na isinasagawa upang makakuha ng buong larawan ng epekto ni “Ulysses” sa produktong agrikultura sa rehiyon.

Sinabi niya na handa ang DA-CAR na tulungan ang mga apektadong magsasaka na nawalan ng kanilang mga produkto dahil sa bagyo.

“We have funds for seeds and fertilizer procurement to assist (the) farmers,” aniya.

Sinabi ni Odsey na 77 porsiyento ng pagkalugi sa agrikultura ay inuri bilang “partial damage” habang 23 porsiyento bilang “total damage”. Naunang sinabi ni DA Secrretary William Dar na halos 80 hanggang 85 porsiyento ng highland vegetable requirement ng bansa ang nagmumula sa probinsiya ng Benguet.

Sa kasalukuyan, naitala ang pagkalugi sa highland vgetables sa 564 MT na nagkakahalaga ng PhP24.3 milyon, na mas kaunti kumpara sa dami ng sari-saring highland vegetable products na
ibinabiyahe mula sa trading post sa La Trinidad, Benguet.

Sinabi ni Odsey na hindi nila nakikita ang isang malaking guwang sa suplay ng mga gulay dahil ang mga nasiran ay mga bagong tanim at madaling mapalitan. “Many of those partially damaged are in early stages of the crops so these can be replaced immediately while others may still survive,” aniya. Ang mga gulay ay mga tanim na maikli ang paggulang, kaya ang ilan ay kulang sa isang buwan ay handa ng maani.

LA-PNA/PMCJr.-ABN