TABUK CITY, KALINGA – Pinakiusapan ni Department of Agriculture (DA) Cordillera Regional Director Lorenzo Caranguian ang mga magsasaka sa lungsod na linangin ang bagong kaisipan sa pagbibigay-halaga sa pagsasaka bilang isang industriya.
“As a farmer myself, let us get dignified and not look down on ourselves as lower citizens of the community,” ani Caranguian sa mga magsasaka sa ginanap na pagdiriwang ng 10th founding anniversary ng lungsod at 16th Matagoan Festival kamakailan.
“Without you tilling the land, millions of people will have nothing to eat. This should make you feel important like any other career person,” diin niya.
Ipinaliwanag din ni Caranguian kung bakit pinagpapala ang mamamayan ng Tabuk. Una, mayroong malawak na lugar angkop sa rice production kaya naging “rice granary” ang rehiyon.
Pangalawa, may mga umunlad na top rice farmers bilang ebidensiya ang palagiang pagkilala sa National Rice Achiever’s Award. At ikatlo, naglalan ang gobyerno ng matatag na suporta sa pamamagitan ng agricultural programs at services.
Binanggit pa ni Caringuian kung paano nakakamit ng mga magsasaka sa ibang bansa ang respeto at karangalan dahil kabilang sila sa sektor ng mariwasang ekonomiya.
Dahil dito, hinamon niya ang mga nakikinig upang linanging mabuti ang produksiyon at iangkop ang modernong teknolohiya na ibinibigay ng mga ahensiya at institusyon.
“Land alone is not enough unless we practice improved techniques and methods if we want to maximize profit from farming,” diin niya.
“I believe there would be great difference when a farmer starts operating as a farm entrepreneur rather than simply as farmer-tiller,” dagdag niya.
Gayunpaman, sinabi ni Caranguian na bagaman “layunin natin ang mataas na produksiyon, protektahan din ang kapaligiran”.
“Above all, we should not forget God, who is the ultimate provider of our resources, health and strength, and why we are able to conduct all these works,” pagtatapos niya. LL-PIA CAR, Kalinga / ABN
July 2, 2017
July 2, 2017
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024