Mga Muslim, nakipagtulungan sa pulisya ng Bauang

Jul 2, 2017

BAUANG, LA UNION –  Dahil sa patuloy na bakbakan ng mga rebeldeng Muslim at mga sundalo sa Marawi City, Mindanao ay marami na rin ang naiipit na mga sibilyan na mga Muslim ang nais umalis sa kanilang lugar.

Kaya tiniyak ni Bauang Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III na pinakilos ang mga kapulisan para i-monitor ang lahat ng barangay na kung saan mayroong mga kapatid na Muslim ay kailangan makausap at mapalista para alamin at kilalanin ang kanilang mga background kaugnay sa mga kamag-anak na kung may nasasangkot man na kabilang sa mga rebelde sa Mindanao ay dapat agad na malaman upang para na rin sa kaligtasan ng bawat isa sa mga barangay.

Sinabi ni De Guzman, “Bagama’t maliit lamang ang bilang ng mga kapatid natin sa Muslim na nasa 28 lamang sila ngunit kailangan pa rin masiguro natin na walang nakakapasok sa ating bayan na hindi naipapalista o ipinakikilala sa awtoridad ng kapulisan, kailangan rin na makipagkaisa sila para sa ikakapanatili ng kapayapaan sa ating bayan.

“Isang makakatulong na mamo-monitor natin ang lahat ng barangay sa 24/7 na pagpapatrolya ng mga naka-assign na pulis kasabay na rin ang mga naka-install na CCTV sa mga barangay.

“Sinisiyasat rin ng mga pulis ang mga liblib na mga lugar kung may makita man na mga kahina-hinalang tao na hindi pa kilala na iba ang ikinikilos ay inoobliga na sitahin ito o tanungin kung taga-saan at ano ang pakay nito sa lugar na kanyang tinutuluyan.

“Isang paraan ito upang maiwasan na maging taguan ang bayan natin  ng mga terorista at ang pag ingatan natin na kahit maliit na grupo lang ang makapasok sa ating bayan ay kung may mga malalakas na armas silang hawak ay posibleng makakagawa sila ng karahasan sa atin, na huwag naman sana ipahintulot.

“Kaya nananawagan ako sa ating mga kababayan na Bauangenos na makipagtulungan kayo sa amin, ipagbigay alam agad kung may nakikita kayong ibang tao na hindi pamilyar o kilala sa inyong lugar ay agad ninyo i-report sa himpilan ng pulis upang sila ang bahalang humarap at tanungin sa ilang impormasyon na dapat malaman,”  ani De Guzman. ABN

RELATED POSTS

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

The La Trinidad Municipal in partnership with DENR-Environmental Management Bureau-CAR in observance of the Clean Air Month, the said...

IBENGUETS’ AWARDEES

IBENGUETS’ AWARDEES

A total of 32 individuals were recognized during the Benguet Awards 2022 graced by Senior Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen...

AMIANAN POLICE PATROL

Suspek sa robbery sa Cagayan, arestado sa Kalinga TABUK CITY, Kalinga - Arestado sa manhunt operation ng pulisya sa Bulanao Norte, Tabuk...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest