DA NAMUHUNAN NG P300M UPANG MAPABUTI ANG INDUSTRIYA NG BABOY SA CORDILLERA

LUNGSOD NG BAGUIO

Di-bababa sa PhP300 milyon ang nailaan para sa Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) program sa Cordillera Administrative Region (CAR), na nakikitang makakagawa ng hanggang
16,800 baboy bawat panahon. Layunin ng INSPIRE na tugunan ang suplay ng baboy sa rehiyon lalo na matapos
maapektuhan ang mga nagaalaga ng baboy ng African swine fever (ASF),” ani Dr. Kevin Luna, Department of
Agriculture – CAR senior agriculturist para sa livestock program, na nag-umpisa noong 2022.

Tinukoy ng DA-CAR ang nasa 30 kuwalipikadong Farmer Cooperative Associations (FCAs) na nalaanan ng PhP5.5 milyon bawat isa para sa konstruksiyon ng isang 300- head capacity pig pen at para sa pagbili ng mga biik, feeds, at iba pang inputs. Isang kabuuang PhP165 milyon ay inilaan para sa first batch habang PhP135 milyon ang naitabi para sa second batch, na may 26 FCA beneficiaries na naikalat sa lahat ng anim na probinsiya ng rehiyon. “The goal is for all the INSPIRE projects to reach their maximum load capacity and if they do, the 56 INSPIRE projects will be able to give an additional supply of at least 16,000 heads.

This is the first time we are having commercial piggeries in the region for CAR’s consumption and this project will be a big boost to our pork sufficiency,” ani Luna na isang beterinaryo. Ang rehiyon ay higit na umaasa sa suplay mula sa
ibang mga rehiyon, dinadagdagan ng mga backyard growers mula sa mga barangay ng Cordillera. Bago ang kasagsagan ng pag-atake ng ASF, hindi bababa sa 300 baboy ang pinapatay sa bahay-katayan ng Baguio City araw-araw upang matugunan ang konsumo ng lungsod. Bumaba ito sa 150 sa panahon ng pandemya dahil sa kakulangan
ng suplay at pangangailan, bilang resulta ng tumataas na presyo ng karne ng baboy.

Sa ngayon, nasa 200 baboy ang kinakatay sa bahay-katayan ng lungsod bawat araw. “Not just Baguio City, which is a highly urbanized city with the concentration of people being here, the whole Cordillera region is a largely pork-eating region. Based on the PSA (Philippine Statistics Authority (PSA) data, a Cordilleran consumes 15 kilograms of pork per year, which is the highest in the nation, with other regions recording only about 12 to 13 kilograms,” ani Luna.

Hanggang ngayon, sa 30 unang FCAs, 22 ang natapos na, na may 14 ang nakargahan na ng mga baboy at nakakagawa ng pangangailang karne, aniya. Hindi bababa sa walo sa unang siklo, apat sa pangalawang siklo at dalawa ay nasa kanilang ikatlong siklo, aniya. Ang siklo ay tumutukoy sa panahon kung kalian ang isang biik ay palalakihin hanggang marating nila ang panahon ng pagka-maturidad at handa nang ibenta.

Mga hamon

Sinabi ni Luna na ang suplay ng mga biik ay nananatiling pangunahing hamon para sa FCA ngunit binanggit na “upang malunasan ito, bumaling ang mga FCA sa pagbili ng mga biik mula sa kanilang mga miyembro, na, gayunman ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailang baboy.” Idinagdag niya na ang Agricultural Training Institute (ATI) ay nakomisyon na mag umpisa sa PhP20 milyon halaga ng Artificial Insemination (AI) ng INSPIRE sa proyekto sa mga barangay, na pinasimulan sa mga probinsiya ng Apayao, Mountain Province at Ifugao. Sinabi niya na nakakabawi ang rehiyon kung paguusapan ang suplay, lalo na at nakabalik na mga backyard growers sa kanilang mga aktibidad sa pag-aalaga ng baboy.

Banta ng ASF Sinabi niya na nananatili ang banta ng ASF, na may 12 mga kaso ang minomonitor pa sa rehiyon – pito sa Abra, dalawa sa Apayao at tatlo sa Benguet, ngunit binigyan-diin na ang rehiyon ay nananatiling aktibo sa pagsugpo sa ASF. Mula 2020 hanggang 2024, di-bababa sa 5,07 baboy ang pinatay dahil sa ASF, na nakaapekto sa 1,182 magsasaka sa rehiyon at nag-udyok sa gobyerno na gumastos ng hindi bababa sa PhP30 milyon para sa bayad-pinsala sa pinatay na mga hayop upang mapigilan ang mas lalo pang pagkalat ng ASF. Gumastos din ang gobyerno ng di-bababa sa PhP74 milyon sa anyo ng sentinel pigs, veterinary drugs at biologics, ASF rapid test kits,
disinfectants at veterinary drugs na suporta sa pagsentinel. Ang sentinel pigs ay tumutukoy sa mga biik na inilalaan ng ilang buwan matapos ang “culling”.

(LA-PNA CAR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon