Daan-daan binalaan sa dipagsunod sa health protocols

LUNGSOD NG BAGUIO – Ang pandemya sa Coronavirus disease ay matagal pang matapos, isuot ang inyong face mask at face shield at sundin ang physical distancing. Ito ang palagiang paalala ng frontline health workers at police personnel sa pagiging kampante at di-pagsunod ng publiko sa minimum public health standards (MPHS).
Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) na sa dalawang linggo ay daan-daan ang binalaan sa paglabag ng MPHS. Mula Mayo 14 hanggang 24, 2021, may kabuuang 207 ang binalaan sa hindi pagsusuot ng face mask at 273 ang binalaan sa hindi maayos na pagsuot ng face mask habang 797 ang binalaan sa hinsi pagsuot ng face shield; at 993 ang binalaan sa hindi maayos sa pagsuot ng
face shield.
Idinedeklara ng City Ordinance No. 49, o ang amended Face Mask and Face Shield Ordinance of 2021 na labag sa batas para sa lahat kasama ang mga turista at tagalabas ng lungsod na lumabas
ng kanilang bahay upang pumunta sa mga pampublikong lugar, gusali, national roads o highway, sidewalks, walkways, o public conveyances o iba pang katulad na establisimiyento, na gindi nagsusuot ng face mask at face shield hanggang ang banta ng COVID-19 ay lubos nang nawala sa bansa o sa panahon ng State of Public Health Emergency.
Ang naamiyendahan na ordinansa ay nire-regulate din ang walang-pakundangang pagtatapon ng personal protective equipment (PPE) sa lungsod.
Binigyan-kahulugan ng ordinansa ang face mask bilang “a fitting device that creates a barrier between the nose and mouth of the wearer and potential contaminants, particles, toxins, and pollutants.
For purpose of this Ordinance, face masks include medical or surgical masks, N95 masks, respirator masks, and improvised face covers designed to protect the wearer from inhaling contaminant or disease particles in the immediate environment” at maaaring minsanan lamang ang gamit o paulit-ulit ang gamit na bagay.
Ang face shield ay tumutukoy sa “transparent physical barriers made of plastic or acetate material that can be easily disinfected that cover the sides and length of the wearer’s entire face. The panel of the face shield should extend past the chin and curve around the sides of the wearer’s face. The Inter-Agency Task Force approved only the full-face shields.”
Ang mga multa sa hindi pagsusuot ng face mask: first offense — P1,000; second offense — P2,000; third offense — P3,000 and cancellation of business permit if applicable; for non-wearing of face shield and indiscriminate disposal of used or damaged face masks and face shields: first offense — P 500; second offense — P1,000; third offense — P2,000 and cancellation of business permit if applicable. Kung ang lumabag ay isang menor de edad, ang magulang o guardian ay maaassess sa kaukulang multa.
Samantala, binalaan ng BCPO ang 264 katao sa hindi pagsunod sa social/physical distancing at nakaaresto ng 35 indibiduwal.
Itinatakda ng City Ordinance No. 46-2020 ang dalawang metro na distansiya sa pagitan ng dalawa o higit pang tao sa panahon ng idineklarang public health emergency. Ang mga lalabag ay magmumulta ng PhP500 para sa first offense, PhP1,000 sa second offense, at PhP3,000 para sa third offense.
Para sa mga negosyante at may-ari ng mga establisimiyento, ang mga lalabag ay magmumulta ng PhP3,000 para first offense, PhP4,000 sa second offense, at PhP5,000 cancellation ng business permit para sa third offense.
Gayundin ay binalaan ng BCPO ang 811 katao sa paglabag ng Republic Act No.11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. Patuloy na pinapaalalahanan ng City Health Service ang publiko na sumunod sa minimum public health standards kahit pa sa kasalukuyang vaccination roll-out upang makamit ang herd immunity mula sa COVID-19.
(JPS-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon