Dagupan bumili ng shuttle bus, mga motorsiklo

LUNGSOD NG DAGUPAN – Bumili ang pamahalaang lungsod ng isang shuttle bus at tatlong motorsiklo na gagamitin sa iba’t ibang mga aktibidad
Sinabi ni Mayor Belen Fernandez na ang bus at mga motorsiklo na nagkakahalaga ng P8milyon ay idineliver noong Disyembre ng nakaraang taon.
“We will be using the bus for the safety of our student athletes who will be joining the Region 1 Athletic Association (R1AA) meet on February,” ani Fernandez sa isang panayam noong Enero 9.
Dagdag pa ni Fernandez na ang 51-seater bus na siyang ikatlong bus na binili ng lokal na pamahalaan ay gagamitin din para sa “Lakbay-aral” ng iba’t ibang departamento ng lungsod at mga opisyal ng barangay.
Samantala ang tatlong motorsiklo ay ibibigay sa Public Order and Safety Office (POSO).
“The motorcycles will be given to POSO in order for them to monitor the city’s traffic situation, and immediately respond to any incidents in the city,” ani Fernandez.
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon