8 bayan ng Pangasinan, nais isama sa election watchlist

LINGAYEN, Pangasinan – Inirekomenda ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang pagsama ng walong bayan sa Pangasinan sa elections watchlist.
Sinabi ni Senior Inspector Ria Tacderan, PPO provincial information officer, na vina-validate muna nila at minomonitor ang sitwasyon bago opisyal na ideklara ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bayan na ito sa watchlist.
“The eight candidates to be areas of concern have intense political rivalry between the candidates. However, we cannot yet name these towns because only Comelec has the authority to declare them,” ani Tacderan sa isang panayam.
Dagdag pa ni Tacderan na kabilang sa ikokonsidera bago ang isang bayan o lungsod ay isasailalim sa list of areas of concern ay: presensiya ng mga teroristang grupo sa lugar, kasaysayan ng matinding agawan sa politika, balidong mga ulat ng mga kandidatong sangkot sa illegal drug trade at iba pa.
Ayon pa kay Tacderan, sa oras na ipahayag ng Comelec ang listahan ay may augmentation forces o karagdagang police personnel ang itatalaga sa mga lugar upang mapayapa ang sitwasiyon.
Sinabi ng Pangasinan police na ilang insidente ng pamamaril sangkot ang mga kandidato sa eleksiyon na naitala kamakailan sa probinsiya ay isolated cases lamang at kailangang patunayan muna kung may kinalaman sa eleksiyon ang mga insidente.
Ipinila na ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek habang ang ilan ay inaresto rin.
PNA/ABN

Amianan Balita Ngayon