LUNGSOD NG DAGUPAN – Ang district jail ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan ay may hawak na 1,179 inmates kung saan ay halos apat na beses na mas marami kaysa sa maximum capacity ng 300 katao lamang.
Ayon kay Jail Senior Inspector Randy Batay-an, assistant jail warden, na ang pagsisikip ay naging matindi nang inilunsad ng pamahalaan ang war on drugs na kung saan nahuli at nakasuhan ang daan-daang suspek. Lahat ay naka-detain sa district jail.
Sa katunayan, 70% ng inmates sa district jail ay nahaharap sa drug-related cases, ani Batay-an.
“Congestion is beyond the control of BJMP. We cannot say no if an inmate is referred to us by the courts,” aniya.
Ngunit sinabi niya na ang matinding pagsisikip ay medyo mapapagaan na dahil ang kasalukuyang namamahala sa bilangguan ay nagpatayo ng dalawang-palapag na gusali sa loob ng BJMP compound. Ang bagong gusali ay may kakayahang matuluyan ng 400 inmates.
Operational simula noong Disyembre, ang unang palapag ng gusali ay visiting area, at lugar kung saan nila ginagawa ang kanilang mga livelihood projects samantalang ang ikalawang palapag ay ang apat na dormitoryo, 100 inmates ang tumutuloy sa bawat dormitoryo.
Aniya, ang gusali na pinondohan ng BJMP national office, ay ipinatayo ng kasalukuyang namamahala sa pangunguna ni Atty. Kenneth Bid-ding, jail warden, upang lumuwag at mabigyan ang inmates ng breathing space. Dahil ang land area ng bilangguan ay limitado, hindi na posible ang higit pang paglawak nito.
Bilang pangwakas na solusyon upang mapawi ang kasikipan sa bilangguan ay ang pagpapatibay ng panukala ng BJMP para sa mga lokal na pamahalaan sa central Pangasinan na bumuo ng kanilang sariling mga kulungan ng bayan, ani Batay-an.
Sa kasalukuyan, ang bayan ng San Fabian pa lamang ang tumugon nang binili nila ang kapiraso ng lupa na pagpapatayuan ng sariling municipal jail.
Sa kaso ng Dagupan, naghanap si Mayor Belen Fernandez ng paglilipatan ng district jail dahil malapit ito sa Lingayen Gulf na maaaring panganib ang waste water nito sa dalampasigan.
Ang insidente ay nangyari noong nakaraan subalit tinugunan agad ng kasalukuyang jail administration nang magpatayo sila ng malaking septic tank sa loob ng pasilidad.
Karamihan sa inmates ay mula sa Dagupan nang inihayag ng mayor na 200 sa anti-drug violators ay naaresto at nakasuhan nang si Supt. Christopher Abrahano pa ang chief of police, kulang 100 naman sa naaresto ang nahuli at nakasuhan nang pumalit si Supt. Neil Miro bilang chief of police.
Ang bilangguan ay may pansamantalang detention facility para sa mga nakasuhan sa iba’t ibang korte ng central Pangasinan, partikular ang regional trial courts sa Dagupan.
Karaniwang 10 inmates na may kaso na napagpasyahan ng korte ay ibinibiyahe buwan-buwan ng BJMP Dagupan papuntang National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.
“Those sent to NBP are those whose sentences are three years and above and those meted out sentences below three years will either remain in the district jail or apply for probation if they qualify,” ani Batay-an.
Sa kabila ng kasikipan, ang Dagupan District Jail ay tumanggap ng seal para sa “Sustenadong Paglilinis ng Bilangguan” na iginawad ng BJMP national office noong unang quarter ng taon para sa implementasyon ng livelihood program ng detainees, pangangasiwa ng offensive operations kontra illegal na droga at iba pang programa tulad ng implementasyon ng paghihiwalay ng mga inmate pati na rin ang non-existence ng “kubol”. lvmicua/PNA / ABN
May 21, 2017
May 21, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024