Dalagita, nakaligtas sa pag-salvage ng sariling mga kaibigan

SABLAN, BENGUET – Isang 16 anyos na dalagita ang maswerteng nakaligtas mula sa pagtatangka sa kanyang buhay ng mga inakala nitong kaibigan.
Sinabi sa awtoridad ni Shania (hindi totoong pagalan), tubong Caba, La Union at nakatira sa Sevilla, San Fernando City, na noong gabi ng Setyembre 8 ay inimbitahan siya ng dalawang babaeng kaibigan sa isang night out.
Kinabukasan, sumama siya sa kaniyang mga kaibigan at dalawa pang lalaki na mag-joyride papuntang Baguio City.
Nang nakarating sa Sablan ay sinimulang hinampas ng bato ng apat na kasama ng biktima ang ulo nito. Pagkatapos ay binuhat siya ng dalawang lalaki palabas sa sasakyan at inihagis sa 10-metrong lalim na bangin.
Maswerte namang nagkaroon ng malay ang dalagita at gumapang paakyat sa highway hanggang sa makahingi ito ng saklolo sa isang residente.
Dinala ang biktima sa Baguio General Hospital kung saan nito inilahad sa mga pulis ang nangyari sa kaniya.
Masusing sinisiyasat ng mga pulis ang naturang pangyayari. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon