22-anyos na estudyante, sinuntok sa mukha

LUNGSOD NG BAGUIO – Inireklamo ng isang 22 anyos na lalaki ang isang minero na nanuntok sa kanyang mukha matapos ang isang pagtatalo sa loob ng isang bar sa Upper Mabini St., Baguio City noong Setyembre 11, 2018, dakong 11:30ng gabi.
Kinilala ang nagreklamo na si Russel Clen Gomuad Beta-A, 22, single, Alternative Learning System (ALS) student, at residente ng Middle Quirino Hill Extension, Baguio City habang ang suspek ay kinilalang si Generold Abanga Dayaoen, 21, single, minero, at residente ng Loakan, Liwanag, Baguio City.
Sa imbestigasyon ng pulis ay lumabas na si Beta-A ay kasama ang ilan pa nitong kaibigang lalaki. Matapos mainom ang dalawang bote ng 2×2 gin ay inokupa ng grupo ng suspek ang kabilang table nang biglang nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.
Lumakad palayo si Beta-A ngunit sinundan ito ni Dayaoen at sinuntok ito nang tatlong beses sa ilong at noo.
Rumesponde ang City Mobile Force Company (CMFC) ng city police office at inaresto ang suspek na positibong itinuro ni Beta-A.
Dinala ang suspek sa Station 7. Ang kaso ay inihahanda para sa inquest proceeding.

Amianan Balita Ngayon