Dalawang APOR, tiklo sa P4.3 marijuana sa Kalinga

CAMP DANGWA,Benguet – Hindi nakaligtas sa pulisya ang dalawang nagpanggap na Authorized Person Outside Residence (APOR) sa panahon ng COVID-19 pandemic, na taga Caloocan City, na nagtagkang magpuslit ng P4.3 milyong halaga ng marijuanamula sa Tinglayan, Kalinga.

Kinilala ni Police BGen.R’win Pagkalinawan, regional director ng Police Regional Office- Cordillera,ang nadakip na si Rich Vandamme Alegre Armoreda,25, shoe vendor, college graduate, ng Barangay 177, Caloocan City at kasama nitong si Martin Serrano, 22,college graduate,ng Barangay 171, Caloocan City.

Sa ulat na isinumite ni Police Col.Devy Liimmong,provincial director, ang mga pulisya ay nagsasagawa ng mobile patrol na may kaugnayan sa GCQ sa may National road ng Sitio Mamaga,Barangay Bugnay, Tinglayan,Kalinga. noong Mayo 20.

Ayon kay Limmong, namataan ng pulisya ang isang Adventure vehicle na may plakang No NBD 1163, na nakaparada sa gilid ng kalsada na minamaneho ni Armoreda.

Nilapitan ng pulisya ang sasakyan para beripikahin ang dalawang suspek na nagpakita umano ng kanilang identification card bilang APOR at nakita ang nakadikit sa windshield ng sasakyan ang isang pangalan ng security agency.

Habang nagbeberipika ay namataan ng pulisya ang isang elongated tubular form wrapped with transparent plastic containing suspected marijuana dried stalks and leaves that was portruding inside a sack at the passenger seat placed at the back of the vehicle.

Nang tanungin kung ano ang laman ng sako ay mabilis na pinatakbo ng suspek ang sasakyan, na agad namang hinabol at mahuli.

Nakumpiksa sa loob ng sasakyan apat na sako na naglalaman ng 36 piraso ng elongated tubular form wrapped with transparent plastic containing dried marijuana stalks and leaves na may timbang na 36 kilograms na may DDB value na P4,320,000.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon