DAR-ILOCOS REGION IPINATAYO ANG P753-M HALAGA NG KALSADA, TULAY

MALASIQUI, Pangasinan

Natapos ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Ilocos Region ang mahigit PhP717 milyong halaga ng farm-to-market roads, at higit PhP36 milyong halaga ng mga tulay mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2024. Sinabi ni DAR Ilocos Director Maria Ana Francisco na ayon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ahensiya ng
magbigay ng suportang mga serbisyo sa agrarian reform beneficiaries (ARBs). “Ngayon ay mayroon na tayong farm-to-market raod component, dahil alam natin na napakahirap na ibiyahe ang mga produkto sa palengke at minsan
may mga third parties na kumukuha ng mga ani mula sa mga magsasaka,” aniya.

Sinabi niya na sa ilalim ng Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities (SuRe ARC) project, 112 farm-to-market roads ang ipinatayo na may kabuuang haba na 61.50 kilometro at nabenipisyuhan ang 17,873 ARBs at 49
komunidad sa rehiyon. Sa ilalim gn SuRe ARC, namahagi rin ang DAR Ilocos ng 473 farm macjinery at equipment, 2,107 pakete ng organic fertilizer, nagpatayo ng limang green houses na may kompletong pasilidad, at limang green house para sa tissue culture, na may kabuuang halaga na PhP79.7 milyon na nabebenipisyuhan ang 449 organisasyon ng agrarian reform beneficiaries.

Ang SuRe ARC ay isang multi-faceted program na layong taasan ang agricultural productivity at kita ng ARBs sa
pamamagitan ng probisyon ng iba’t-ibang mechanization projects at support services. Samantala, sinabi ni
Francisco na apat na tulay, na may kabuuang haba na 126.60 metros, ang itinayo sa rehiyon sa ilalim ng programang Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo sa parehong peryodo, nabebenipisyuahn ang 1,928 ARBs at apat na ARCs. Magkapartner ang National Irrigation Administration at DAR-Ilocos sa pagpapatayo ng 11 irrigations na may halagang PhP102.3 milyon, na sakop ang 764 ektarya at nabebenipisyuhan ang 832 ARBs at 11 ARCs.

Sa implementasyon ng Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act, sinabi bi Francisco na 4,490 kuwalipikadong ARBs na sakop ang 4,145.42 ektarya sa Rehiyong 1 ang nabigyan ng loan condonation, karamihan ay sa Pangasinan. Ang New Agrarian Emancipation Act ay nilagdaan ni Pangulong Marcos Hulyo ng nakaraang taon na nagco-condone sa natitirang balance sa principal amortization ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) beneficiaries, kasama ang mga interes, multa at surcharges. Samantala, sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project, mayroong 4,159 e-titles ang naipamahagi sa rehiyon, sakop ang 4,968 ektarya at nabenipisyuhan ang 6,013 ARBs, ani Francisco.

Sinu-subdivide ng Project SPLIT ang collective CLOAs sa individual land titles kaya bawat farmer-beneficiary ay maaaring magkaroon ng full ownership at possession, at magkakaroon ng kontrol sa pagsasaka sa lugar sa paraang
nakikita niyang angkop, ayon sa DAR. Sinabi ni Francisco na ang project SPLIT ay nagpapatuloy at napalawig hanggang 2025. Gayundin, natapos ng DAR-Ilocos ang iba pang proyekto sa ilalim ng Climate Resilient Farm
Productiviry Support; Partnershipt Against Hunger and Poverty; Village Level Farm-Focused Enterprise Development; at Community-managed Potable Water, Sanitation, ang Hygiene, na may kabuuang halaga na PhP126.2 milyon. Naresolba ng DAR ang 1,515 mga kaso noong 2022 hanggang 2023 na nagbigay sa kanila ng zero backlogs in case resolutions, at kumatawan sa 11,802 ARBs sa legal assistance mediation

(HA-Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon