DAR nagtayo ng solar-powered irrigation upang matulungan ang magsasaka

BANI, Pangasinan – Ang mga magsasaka sa mga kanlurang bayan ng Pangasinan ay masisiyahan sa isang irigasyon na hindi na gagamit ng krudo gamit ang solar powered irrigation system (SPIS) na itinatayo ng gobyerno na idadaan sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Officer Anna Francisco na ang SPIS project sa Bani ay nakumleto noong huling linggo ng Nobyembre ngayong taon at nagbibigay sa mga magsasaka ng isang makakalikasan at nasusustineng pinanggagalingan ng tubig para sa kanilang mga tanim.
Sa Barangay Barlo, bayan ng Mabini ang completion rate ay nasa 85 hanggang 90 porsiyento na ngayon at target na makumleto bago matapos ang taon. “Since the SPIS runs on solar energy, bringing water to farmlands will be much more affordable than the traditional diesel- and gasoline-powered engine pumps,” ani Francisco.
May 142 na miyembrong magsasaka ng beneficiary organization na (ARBO) Rang-Ay Upland Integrated Farmers Association, Inc. sa Brgy. Dacap Norte, Bani na tinulungan ng DAR ang makikinabang sa royekto.
Samantala, sa Laging Handa Network Briefing, ipinapapatuloy ng gobyerno na magbigay ng tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development Program (DA-SAAD) ng Department of Agricuture.
Sinabi ni Assistant Secretary Anthony Gerard Gonzales ng Office of the Presidential Adviser for the Visayas na nagbigay ang DA ng PhP2.8 milyon halaga ng caracow sa 85 indibiduwal na magsasakang benepisaryo sa Western Visayas bilang bahagi ng pagpupunyaging mapababa ang kahirapan gayundin mga araro at suyod na suporta sa rice production livelihood project.
“The program aims to bolster the farmers’ rice, corn, vegetable and animal production in priority municipalities,” ani Asec Gonzales sa network briefing episode. Ipinahayag din ni Gonzales na nilagdaan ni Secretary William Dar ang isang memorandum of agreement para sa konstruksiyon ng isang smoke house at postharvest equipment para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng Visayas Coconut Seed Production Center with at ng Philippine Coconut Authority.
RPM-PIA Pang/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon