Dating AFP chief, hanga sa mga sundalong Cordilleran

Oct 29, 2017

Sa kanyang pagbisita sa Philippine Military Academy (PMA) noong Sabado (Oktubre 21), sinabi ni General Eduardo M. Año na lubos siyang humahanga sa katapangan at husay sa pakikipagdigma na ipinakita ng mga sundalong galing sa Cordillera sa katatapos na digmaan sa Marawi City.
Ayon sa heneral, siya ang naging over all team leader ng AFP at PNP sa giyera sa Marawi kaya alam niya ang mga pangyayari. “Ako ay lubos na humahanga sa ipinakitang katapangan at galing ng mga Cordilleran warriors natin. Kung hindi sila ang nasa front line, sila ang namumuno sa operasyon para madaig ang mga terorista,” ani Año.
Ang giyera sa Marawi ay nagsimula noong buwan ng Hunyo ngayong taon nang tangkain ng teroristang ISIS na kontrolin ang naturang siyudad. Umabot sa halos limang buwan o 154 na araw bago idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapos na ang giyera at wala nang labanan.
“Isa sa talagang nagpalaya sa Marawi City ay ang 24 hours na pagbabantay at pag-atake sa mga terrorista. At kabilang dito ang mga warriors natin dito sa Cordillera. Kahit tapos na ang labanan ay mukhang ayaw pa nilang umuwi para tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lugar. Parang wala silang kapaguran,” ani Año.
Ayon kay Año, magkahalong saya at lungkot ang kanyang naramdaman sa pagtatapos ng labanan sa Marawi City. Aniya, masaya siya na natapos na pero nakakalungkot din dahil sa maraming nagbuwis ng buhay sa mga sundalo. Ilan ding mga sibilyan ang nadamay at namatay dahil sa giyera.
“Sa mga magulang, asawa at mga kamag-anak ng mga nasawi nating Cordilleran warriors ay ipinapaabot ko po ang aking pakikiramay. At nais ko ding malaman niyo na bayani ang inyong mga anak, asawa at kamag-anak. Saludo ang sambayanang Pilipino lalo na ang AFP. Mananatili silang bayani at patuloy na pasasalamatan ng mga Pilipino ang kanilang sakripisyo at kabayanihan,” paliwanag ni Año.
Si Año ay dumating sa lungsod ng Baguio noong Oktubre 21 para sa kanyang parangal na iginawad sa kanya ng PMA bilang pagpupugay sa pagtatapos niya sa naturang eskwelahan at sa naging kontribusyon niya sa sandatahang lakas. Siya ay kabilang sa PMA “Matikas” class of 1983. Bago siya nagretiro noong Huebes (October 26), siya ang ika-48 na Chief of Staff ng AFP. DIONISIO DENNIS JR. / ABN

RELATED POSTS

TECHIE TAHO VENDOR

TECHIE TAHO VENDOR

"QR Lang po sa umaga”-Baguio City is the first local government unit to adoptthe program co-developed by the Bangko Sentral ng Pilipinas...

FREE DEWORMING AND VITAMINS

FREE DEWORMING AND VITAMINS

was given to horses at Wright Park and Camp John Hay last September 27 and 29, 2022 as part of our Animal Diseases Prevention and Control...

INSPECTION AND MONITORING

INSPECTION AND MONITORING

Acting City Mayor- Faustino A. Olowan inspects recently City Camp Lagoon ,Lower Rock Quarry September 26,2022 caused by Typhoon Karding...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest