LUNGSOD NG BAGUIO – Natagpuang patay sa kalsada ang dating miyembro ng Sangguniang Bayan sa Abra.
Ang biktimang si dating SB Member Jovito Tamayo Terredano, 62, ay nakitang patay sa tabi ng kaniyang motorsiklo sa Sitio Ngabao, South Poblacion, San Juan, Abra at mayroon itong tama ng bala sa likod.
Si Terredano na dati ring pulis, ay huling nakitang sakay ng kaniyang motorsiklo habang dumaraan sa barangay kung saan ito binaril.
Kailangan pang siyasatin ng mga pulis ang maaaring dahilan na pagpatay sa probinsiya.
Kinondena naman ni Abra lawmaker JB Bernos ang naturang pagpaslang habang hinihiling niya sa mga imbestigador ang mas malalim na imbestigasyon sa walang saysay na pagpatay sa probinsiya, na ramdam pa rin ang nakaraan bilang “Cordillera’s killing fields”. A.ALEGRE
August 7, 2018
August 7, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025