Big time trafficker ng Abra, huli sa raid

LUNGSOD NG BAGUIO – Nahuli ng pinagsamang tauhan ng anti-narcotics agents mula sa Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis ang big time drug trafficker sa Abra noong weekend.
Arestado si Jay Azurin sa kaniyang bahay sa Barangay Agtangao, Bangued na may halos kalahating milyong halaga ng shabu, drug paraphernalia, isang caliber 40 pistol at 22 caliber revolver.
Kinilala ni PDEA-Abra provincial officer Julius Paderes si Azurin bilang big-time pusher at hindi ito ang unang beses na na-raid ng mga otoridad ang kaniyang bahay dahil sa droga. Naunang sumuko si Azurin sa mga otoridad subalit bumalik ito sa ipinagbabawal na pagbebenta ng droga.
Isinama rin ng mga otoridad ang live-in partner ni Azurin na si Trixie Esmeralda.
Ang dalawa ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa droga at paglabag sa firearms law. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon