LA TRINIDAD, Benguet
Mahigit sa P3.7 milyong halaga ng pinatuyong marijuana ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang buy-bust operation sa dalawang High Value Target drug personalities sa bisinidad ng Strawberry Farm, Barangay Betag, La Trinidad, Benguet noong Mayo 2. Kinilala ang naarestong suspek na si Levis Paoway Panangen,26, magsasaka, residente ng Sitio Bakbakan Barangay Poblacion, Kibungan, Benguet at Alvin Daiso Lid-ayan,21, residente ng Sitio Bakbakan Barangay Poblacion, Kibungan, Benguet.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang operatiba ng PDEA RO IV-A, RSET 2, PDEACordillera, PDEU BENGUET at La Trinidad MPS dakong alas 5:30 ng umaga sa open parking lot ng Strawberry Farm. Narekober ng mga operatiba ang 31 pirasong pinatuyong dahon ng marijuana na may mga
tangkay at mga bungang ibabaw na binalot ng brown packaging tape na tinatayang 31 kilo at may halagang
P3,720,000.00.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024