Isang babaeng drug pusher na dumayo pa sa lungsod para magbenta ng ecstasy capsule, ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera (PDEA-CAR) sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng hotel sa Kisad Road, Baguio City.
Ayon kay Joseph Frederick Calulut, PDEA regional information officer, ang suspek na itinago sa pangalang Cherry, 18, ng Malate, Manila ay nahuli sa bitag matapos magbenta ito ng mga party drugs na nagkakahalaga ng P50,000 sa mga undercover PDEA agent noong Huwebes ng gabi.
Nakuha kay Chery ang 15 piraso ng hinihinalang ecstasy capsules, 25 tablets ng Diazepam Valium at apat na syringes na may lamang liquid ng dangerous drugs, na pawang nakatago sa dalawang box ng cupcakes.
Ang suspek na dumayo pa sa Summer Capital ay nakakulong ngayon sa Baguio City Jail at kinasuhan ng paglabag sa Republic Act Number 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ZALDY COMANDA
November 18, 2017
November 18, 2017
May 11, 2025
May 3, 2025
April 19, 2025
April 12, 2025