DepEd-CAR naglaan ng P30-M para sa mga Guro bilang dagdag incentive

LA TRINIDAD, Benguet – Naglaan ng karagdagang P30 milyon ang tanggapan ng Department of Education sa rehiyon ng Cordillera bilang dagdag sa insintibo ng mga guro sa walong School Division Offices bilang dagdag sa kanilang insintibo.
Ito ay ayon sa pahayag ni Atty. Sebastian Tayaban, chief ng DepEd-CAR finance division na bawat isa sa 17,291 teaching personnel mula sa kindergarten hanggang Grade 12 ay tatanggap ng PHP1,500 bilang insintibo sa kanilang walang sawang pagtuturo sa mga bata.
Paliwanag pa ni Tayaban ang PHP1,000 ay insintibo mula sa DepEd central office bilang pagkilala sa naganap na in World Teachers Day, samantalang ang PHP500 ay para sa kanilang medical examination allowance.
“We have already downloaded the amount to the division offices. They will determine when to release to the teachers,” ani Tayaban Bukod sa P1,500 na insintibo makakatangap pa ang mga gurong ng P300.00 dahil sa kanilang attendance sa webinar.
Noong buwan ng May,ang mga guro ay nakatangap na ng kanilang midyear bonus na katumbas ng kanilang isang buwang sahod, natanggap din nila nga halaganga P6,000 para sa kanilang uniform allowance.
Idingadag pa ni Tayaban na ang DepEd central office ay pinag-aaralan din kung paano mabibigyan ng communication allowance ang mga tetser upang magamitnila ang badyet sa paggamit nila ng kanilang mga cellular phones sa pagtuturo gamit ang internet dahil hindi sila makapag face to face ng mga estudyante bunga ng pandemic.
PNA
 

Amianan Balita Ngayon