DEPED ILOCOS PINASIGLA ANG PAGTUTULUNGAN PARA SA 2023 ‘BRIGADA ESKWELA’

Patuloy na nakikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) Ilocos sa iba’t-ibang stakeholder para sa pagsasagwa ng Brigada Eskwela ngayong taon. Ang aktibidad na ito ay bilang
paghahanda para sa pagbubukas ng mga klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29, 2023.
Ang Brigada Eswkwela ay isang pambansang maintenance program, ay sinasamahan ng mga personnel ng paaralan, mga guro, at magaaral, kasama ang mga magulang, alumni, civic groups,
mga miyembro ng local na komunidad, non-government organizations, at mga pribadong indibiduwal.

Ang tema ngayong taon para sa Brigada Eskwela ay “Bayanihan para sa MATATAG na Paaralan,” nan aka-angkla sa pagsasama at boluntaryong serbisyo. Sinabi ni DepEd Ilocos regional director Tolentino Aquino na ang aktibidad ay makakaya dahil sa layunin ng kanilang mga partner at
stakeholder na maging “matatag” ang mga paaralan. Kinumpirma ni Darius Nieto, project development officer of the Education Support Services Division, na ipinagbabawal ang mga
solisitasyon; subalit, bukas ang DepEd para sa partnership engagements sa pagitan ng
departamento at mga pribadong sektor para sa pagpapaunlad ng mga paaralan.

Ito ay kaugnay sa layunin ng DepEd Ilocos na isulong ang institutional partnerships, kapalit ng mga solisitasyon na sinabi Director Aquino. Ang paglagda sa isang memorandum of agreement sa
pagitan ng private partner institutions ay isinagawa sa parehong aktibidad. Ang partnership sa
pagitan ng DepEd at mga private institution ay nakalinya pa rin sat ema ng program ana humihikayat ng pagsasama at kooperasyon tungo sa “matatag” na mga paaralan sa bansa.

“Aside from collaborations between Deped Ilocos and private institutions, they also maintain partnerships with the local government units,” ani Nieto sa Kumustahan sa DepEd Rehiyon Uno press conference held at the Executive Conference Hall of DepEd sa Brgy. Catbangen, San Fernando City noong Agosto 14. Samantala, ipinagpapatuloy ng DepEd Ilocos na pag-ibayuhin ang
seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga kawani ng paaralan. Kaya, patuloy ang Bureau
of Fire Protection (BFP) Ilocos na magsagawa ng ocular fire inspections habang ang Philippine National Police (PNP) Ilocos ay siyang bahala sa public safety operations sa mga paligid ng mga paaralan sa buong bansa.

(REB/PIA Region 1/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon