Digong at Leni, sweet na ba? Owsss!

Apr 1, 2017

Owss at owsss pa rin ang naging reaksiyon ng marami sa mga eksenang nasaksihan kamakailan lalo na noong nagdaos ng ika-72 kaarawan ni Pres. Duterte kung silang dalawa ni VP Leny Robredo ang ating tsitsismisin. Haay naku napakahirap mag-spelling. Napakahirap husgahan ang bawat tinginan, ngitian at marami pang kakuwanan na maaari mong paghuhugutan ng mga tama at maling akala. Napakahirap talagang magsuspetsa, este, manghusga. Sige, bulatlatin natin para mahusgahan din ng madlang pipol:

*********

Una, ayaw ni Pres. Duterte na masama sa impeachment si VP Leny Robredo. Sinabi niya mismo ire, di ba? Kasi raw ay dapat maipagpatuloy nito (Leni) ang kanyang misyon bilang bise presidente ng bansa. Yan ang pagmamalasakit mula kay Digong sa likod nang nabulgar na may video message sa UN si VP Leni kontra sa Extra Judicial Killings (EJK) na diumano ay nagaganap sa administrasyong Duterte. Sabi nga ng marami na napakapait naman ang ginawa ng bise presidente. Napahiya ang buong bansa at nahirapan tuloy ang turismo upang makapanghatak ng mga turista sa ating bansa. Idagdag mo pa raw ang upak nito sa ating ekonomiya o pagnenegosyo. Pero sa likod ng masakit na banat ni VP Leni naging mapang-unawa at nagkaroon pa rin ng pusong mamon si Digong at natunaw yata ang kanyang pusong bato nang sabihing huwag namang isama pa si Leni sa impeachment. O, ha? Say niyo? Nandiyan ang patunay na tao lang si Digong na may puso at damdaming makakaunawa sa tunay na diwa ng pagkakaisa at pagmamalasakitan para sa mas matiwasay na serbisyo sa bayan. Pero sa mga taong iisa ang direksiyon ng utak, wala lang!

*********

Ikalawang eksena, binati ni VP Leni sa kanyang ika-72nd B-day kamakailan. Ang wish: sana ay maipagpapatuloy pa ni Pres. Duterte ang kanyang panunungkulan bilang pangulo para sa bayan. Pahapyaw pa nga ni Leni na “malakas pa si Pangulong Duterte”. At sa kahit maiikling kataga, nabulalas ng bise na dapat nga silang magtulungan para sa bayan dahil sila ang nahalal na pangulo at pangalawang pangulong sandalan ng sambayanan. Napakasarap at napakatamis pakinggan, di ba? At ang kasunod naman ay ang eksenang inimbitahan ni Digong si VP Leni (kasama ang pamilya) para sa isang dinner o gabihan. Di man sinabi ng pangulo kung kailan, yan ay hinihimay na ng kampo-Duterte upang maisakatuparan. At ang maganda hindi naman nagpa-hindi ang bise presidente. Na ang ibig sabihin, tinatanggap niya ang alok ng pangulo. Ang rason ay upang makapag-usap sila ng masinsinan para sa mga programa ng administrasyon para sa bayan. Mariakusina, sa eksena pa lang na yan, marami na ang napa-ihi, este napangiti at natuwa, di ba? Nakikita nating malayong mas matibay ang kinabukasan ng ating bansa kung nagkakaisa ang ating matataas na opisyal ng bansa lalo na kina Pangulong Digong at VP Leni Robredo. Tanong: kailan kaya ang dinner at saan? Ano-ano kaya ang mga pag-uusapan? At pagkatapos niyan, ano pa kaya ang mga eksenang maasahan?

*********

Ikatlong eksena: diyan na diumano ay mga sulsol upang barahan ang mga damdaming nilalagnat na sa pagkakaisa. Upang hindi magkalapit ang damdaming Digong-Leni. Upang sila’y papag-awayin pa. Tanong: bakit hindi daw tumitigil si Sen. Trillanes na gatungan ang mga eksena upang magkalayo ang dalawa (Digong at Leni)? Ano daw ba talaga ang gustong mangyari ni Senador? Ang palakihin pa ang lamat at hidwaan sa pagitan nina Digong at Leni? At pagkatapos ano ang plano nito? Ano daw ba talaga ang papel na gustong gampanan ni Senador Trillanes? Makakuha ng papel? Baka papel de liha daw ang bagsak! Sus ginoo, sana matapos ang mga sigalot at tensiyon para makausad na ang bansa, pasulong at hindi paatras. Abangan ang mga susunod pang mga eksena. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest